Donny waley na:McCoy bagong ‘boyfie’ ni Kisses

Ipinalit si McCoy de Leon kay Donny Pangilinan bilang kapareha ni Kisses Delavin sa bago nitong movie sa Regal Entertainment, ang “D’Ninang” na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas.

The post Donny waley na:McCoy bagong ‘boyfie’ ni Kisses appeared first on Abante News Online.

donny waley namccoy bagong boyfie ni kisses - Donny waley na:McCoy bagong ‘boyfie’ ni Kisses
ABANTE mcooy - Donny waley na:McCoy bagong ‘boyfie’ ni Kisses
abante i know better jun nardo 336x224 - Donny waley na:McCoy bagong ‘boyfie’ ni Kisses
 
 
Ipinalit si McCoy de Leon kay Donny Pangilinan bilang kapareha ni Kisses Delavin sa bago nitong movie sa Regal Entertainment, ang “D’Ninang” na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas.
 
Aprubado naman ng fans ni Kisses ang tambalan nila ni McCoy na tuwang-tuwa sa pagkuha sa kanya ng Regal. Si Donny ang unang ipinareha sa young actress sa ginawa nilang movie sa Regal gaya ng “Walwal”. Hindi rin nagtagal ang kanilang love team.
 
Lalabas na anak ni Ai Ai si Kisses. Bukod sa kanila ni McCoy, kasama rin sa pelikula si Mariel de Leon, Lou Veloso at mula ito sa direksyon ni GB Sampedro.
 
 
JENNYLYN GUSTONG MAKATRABAHO SI DINDONG
 
Naging emosyunal si Jennylyn Mercado nang muli siyang mag-renew sa Kapuso network nu’ng Biyernes.
 
Sa loob kasi ng 16 years na Kapuso artist, “Doon ko napatunayan na hindi lang nila ako trinato na artist, trinato nila akong parang anak, pamilya.
“Na ‘yung pagmamahal nilang lahat sa akin, hindi nawala. Lahat ng mga moment na akala ko hindi na ako makakabalik, Diyos ko, nu’ng nagkaroon ako ng anak, tinanggap nila akong muli!
 
“Tinanggap nila ako nang buong-buo. Hindi nila ako pinabayaan! Hanggang sa makarating ako kung saan man ako ngayon!”
 
Feeing ni Jen sa muli niyang pagpirma ng kontrata, “Overwhelmed! Loved!”
Isa sa gusto niyang gawin ay ang malaman kung paano nabubuo ang isang soap.
Sino pa ang gusto niyang makatrabaho?
 
“Siguro bilang leading man, siguro si Dingdong (Dantes). Hindi ko pa po alam kung makakatrabaho ko siya. Sana po,” saad ni Jen.
 
Sa ngayon, katrabaho ni Jennylyn si Dingdong bilang co-host sa “Starstruck” at napapanood din siya sa top-rating series na “Love You Two”.

The post Donny waley na:McCoy bagong ‘boyfie’ ni Kisses appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *