Donnalyn super tili sa regalo ni Lee Min Ho

Tunay na kakaiba nga ang vlogger-singer na si Donnalyn Bartolome.

donnalyn super tili sa regalo ni lee min ho - Donnalyn super tili sa regalo ni Lee Min Ho
abante donalyn - Donnalyn super tili sa regalo ni Lee Min Ho

Tunay na kakaiba nga ang vlogger-singer na si Donnalyn Bartolome.

Na dahil pandemic at nasa ilalim pa rin ng quarantine, itong taon ang pinakahindi niya makakalimutang birthday celebration.

Bongga ang mga natanggap niyang regalo na mga luxury brands mula sa kanyang mommy, sponsors at supporters pero ang pinakatumatak ay ang hindi niya inaasahang regalo mula sa kanyang ultimate crush na Korean superstar na si Lee Min Ho.

Bago niya tuluyang mabuksan ang nilalaman ng regalo ay bumungad ang mga litrato ni Lee Min Ho at talaga nga namang halos mabasag ang mga salamin sa lakas ng tili ni Donna.

Finally, nang mabuksan niya ay kitang-kita ang excitement sa reaksyon ng vlogger at super kilig sa natanggap na regalo mula sa Korean actor. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *