DJ Loonyo kinamumuhian: Ivana Alawi pinaasa, ginamit

Galit na galit ang mga fan ni Ivana Alawi kay DJ Loonyo. Super trending nga si DJ Loonyo sa Twitter, dahil sa masasakit na salita na ibinabato sa kanya ng mga tagahanga ni Ivana.

The post DJ Loonyo kinamumuhian: Ivana Alawi pinaasa, ginamit first appeared on Abante.

dj loonyo kinamumuhian ivana alawi pinaasa ginamit - DJ Loonyo kinamumuhian: Ivana Alawi pinaasa, ginamit
Dj Lonyo x Ivana - DJ Loonyo kinamumuhian: Ivana Alawi pinaasa, ginamit

FINAL columnists Palaban to no Dondon Sermino 3 1 300x180 - DJ Loonyo kinamumuhian: Ivana Alawi pinaasa, ginamitGalit na galit ang mga fan ni Ivana Alawi kay DJ Loonyo. Super trending nga si DJ Loonyo sa Twitter, dahil sa masasakit na salita na ibinabato sa kanya ng mga tagahanga ni Ivana.

Di ba nga, noong kainitan ng mga Tiktok dance ni DJ Loonyo, ang daming nag-ship na LooVana, dahil feeling nila bagay na bagay ang dalawa.

Marami ang nagpantasya na magkakatuluyan ang dalawa, dahil pareho nga raw sikat sa social media ang dalawa.

Pero, hindi nga `yon naganap noong 2020. Walang relasyong nabuo sa LooVana.

Pero, ang masaklap, akusasyon ng mga fan, kesyo paasa raw si DJ Loonyo. Pinaasa raw sila nito na liligawan si Ivana, pero hindi naman nangyari. Na ginamit lang daw ni DJ Loonyo si Ivana.

At ang hindi nila matanggap, kesyo may sinasabi pa raw si DJ Loonyo na wala siyang dapat ipagpasalamat sa mga LooVana fan, dahil kusa naman daw silang nagbuo ng fan club, kusa silang sumuporta sa DJ Loonyo at Ivana tandem.

Kaya `yun na nga, biglang umingay ang pa-hashtag na #DJLoonyoAttitudeProblem. At pati tuloy ang mga lumang isyu sa kanya ay nahalungkat na.

May mga ipinapakita pang resibo ang mga fan sa pag-unfollow ni Ivana sa mga socmed account ni DJ Loonyo.

Anyway, sunod-sunod na sinagot naman ni DJ Loonyo ang mga patutsada, akusasyon ng mga fan ni Ivana.

“Never at walang chance na lalabas sa bibig, utak at puso ko ang mga katagang to.

“Be careful. bashers are manipulating other people to hate and spread false accusations.

“There’s more into life than this. cruel world…. light will prevail.

“Maraming salamat LooVana.

“Uulitin ko, mahal ko kayo at naiintindihan ko kayo.

“Nawa’y magkaroon tayo ng katahimikan at ilaw.

“Ui, pehebel.

“Mabulaklak na salita, paasa, and all na binabato. Sige nga, resibo after nung Kumu live naming dalawa or statement ko sa Kumu na siguro dun nalinaw naman na “walang kame” at hanggang pagkakaibigan nalang, tapos kay Tim Yap. San ako nagpaasa?

“And if gamitan issue? Never ko ko kayo ginamit, kayo po ang sumuporta at sinuklian ko ng talento at pagmamahal, pagkilala, niyakap kahit grabeng pambabasag ginagawa sainyo.

“Pagmamahal na lang…” sabi ni DJ Loonyo.

Pero siyempre, hindi sapat ang mga paliwanag ni DJ Loonyo para mawala ang galit ng kampo ni Ivana!

The post DJ Loonyo kinamumuhian: Ivana Alawi pinaasa, ginamit first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *