DJ Jasmin pumanaw sa edad na 35

Madalas kong pakinggan si DJ Jasmin (Jasmin Basar sa tunay na buhay) sa MOR (My Only Radio) 101.9 noon, dahil bukod sa maganda ang boses niya, malaman ang mga kuwento niya, at makulit, masayahin.

dj jasmin pumanaw sa edad na 35 - DJ Jasmin pumanaw sa edad na 35
ABANTE Dj jasmin - DJ Jasmin pumanaw sa edad na 35

Madalas kong pakinggan si DJ Jasmin (Jasmin Basar sa tunay na buhay) sa MOR (My Only Radio) 101.9 noon, dahil bukod sa maganda ang boses niya, malaman ang mga kuwento niya, at makulit, masayahin.

Tipong magi-enjoy ka talaga kapag siya ang pinakikinggan mo. Pero biglang-bigla nga ay nawala siya sa ere. At sa “Rated K” ni Korina Sanchez lang namin nalaman na may malubha siyang sakit.

At kahapon nga, tuluyan nang nagpaalam si DJ Jasmin sa sakit sa kidney, sa edad na 35.

Bago tuluyang pumanaw, ilang buwang nakipaglaban si DJ Jasmin sa sakit niya sa kidney.

At mababasa nga sa MOR Facebook account ang maiksing mensahe para sa kanilang mga tagapakinig.

“Salamat, Jasmin. Mahal ka namin.”

Dagsa ang mensahe ng mga fan para kay DJ Jasmin. Kunsabagay, ilang taon nga rin silang pinaligaya nito sa ere.

Para naman kay DJ Popoy na madalas ka-banter ni DJ Jasmin noon, sinabi nga niya na ang kuwentuhan, asaran, payuhan sa pagitan nila ang siyang hahanap-hanapin niya.

“Baby girl Jasmin Balong, Jr, the Turd. Mami-miss kita Manang Jasmin ko.” (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *