Direk Adolf nakasama sina Brad Pitt, Leonardo DiCaprio sa Cannes

Mapapa-wow, mapapa-wooooo ka na lang sa mga Instagram story, photo ni Direk Adolf Alix, Jr., ha! Nasa Cannes Film Festival nga siya ngayon, at halos lahat ng mga Pinoy na artistang nagku-comment sa Instagram niya ay saludo sa kanya, na siyempre pa ay may kahalong inggit din.

The post Direk Adolf nakasama sina Brad Pitt, Leonardo DiCaprio sa Cannes appeared first on Abante News Online.

direk adolf nakasama sina brad pitt leonardo dicaprio sa cannes - Direk Adolf nakasama sina Brad Pitt, Leonardo DiCaprio sa Cannes
adokf - Direk Adolf nakasama sina Brad Pitt, Leonardo DiCaprio sa Cannes

Mapapa-wow, mapapa-wooooo ka na lang sa mga Instagram story, photo ni Direk Adolf Alix, Jr., ha! Nasa Cannes Film Festival nga siya ngayon, at halos lahat ng mga Pinoy na artistang nagku-comment sa Instagram niya ay saludo sa kanya, na siyempre pa ay may kahalong inggit din.

Aba, sino-sino ba kasi ang mga nakakahalubilo niya sa Cannes?
Bukod kina Luc at Jean-Pierre Dardenne, nandu’n din sina Isabelle Hupert and Jere­mie Renier.

At hindi mo kaka­yanin na makasamang manood sa isang sinehan sina Quentin Tarantino (direktor ng “Once Upon A Time… In Hollywood”), pati na ang mga bida sa pelikula na sina Leo­nardo DiCaprio and Brad Pitt, at ganu’n din si Bong Joon-Ho at Song Kang-ho.

“It seemed like a celebration for cine­ma as actors and directors from around the world gather for the premiere. Got a bonus snap with Academy Award-winning Actor (for The Pianist) Adrien Brody. #Cannes2019,” sabi ni Direk.

Bonus pa ang makasama sa isang sinehan sina Timothee Chalamet, Dakota Fanning, Waltes Salles, Gael Garcia Bernal, at Diego Luna.
So, wow na wow, ‘di ba? (Dondon Sermino)

The post Direk Adolf nakasama sina Brad Pitt, Leonardo DiCaprio sa Cannes appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *