Dinumog ng mga follower: Rabiya inspirasyon ng mga Pinoy

Biglang lumobo ang mga follower ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa Instagram matapos manalo nitong Linggo.

The post Dinumog ng mga follower: Rabiya inspirasyon ng mga Pinoy first appeared on Abante.

dinumog ng mga follower rabiya inspirasyon ng mga pinoy - Dinumog ng mga follower: Rabiya inspirasyon ng mga Pinoy
Rabiya Mateo 1 - Dinumog ng mga follower: Rabiya inspirasyon ng mga Pinoy

Biglang lumobo ang mga follower ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa Instagram matapos manalo nitong Linggo.

Ibinalita ito mismo ng IG account na @missphilippines na may larawan ni Rabiya na naka-swimsuit, at ang isa ay naka-sash ng Miss Universe Philippines.

“300K followers na si Rabiya. Grabe 2 days pa lang ‘yan, ha! Ilongga magic!” sabi ng naturang IG account.

Sa kanyang sariling IG account ay nakatala naman ang 322K follower ng beauty queen. Meaning, tanggap at mahal ng mga Pinoy si Rabiya dahil sa patuloy na pagtaas ng follower nito.

Anyway, ibinahagi ni Rabiya ang ilang larawan ng kanyang kabataan na nagpapatunay na galing sa hirap ang beauty queen. Kasama rin dito ang photo ng kanyang ina at larawan ng yumao niyang lola.

Hindi nagsisinungaling si Rabiya sa estado ng kanilang buhay noon na maihahalintulad sa buhay ni Venus Raj bago pa ito nakoranahan bilang Bb. Pilipinas-Universe at naging 4th runner up sa Miss Universe 2010. Sabi nga marami, magandang impluwensiya at modelo o inspirasyon sa mga mahihirap na Pinoy, na lahat ay puwedeng makaahon sa kahirapan, basta magsumikap ka at maging mabuti kang tao. (Rey Pumaloy)

The post Dinumog ng mga follower: Rabiya inspirasyon ng mga Pinoy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *