Dingdong nanggigil sa alindog ni Marian

Isa ako sa mga mapalad na naging saksi sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, anim na taon na ang nakalilipas (Dec. 30, 2014 sila kinasal).

The post Dingdong nanggigil sa alindog ni Marian first appeared on Abante.

dingdong nanggigil sa alindog ni marian - Dingdong nanggigil sa alindog ni Marian
abante ding dong - Dingdong nanggigil sa alindog ni Marian

FINAL columnists Palaban to no Dondon Sermino 2 300x180 - Dingdong nanggigil sa alindog ni MarianIsa ako sa mga mapalad na naging saksi sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, anim na taon na ang nakalilipas (Dec. 30, 2014 sila kinasal).

Na sa sobrang dami ng bisita, na kailangan ang malaking venue, sa Mall of Asia talaga ginanap ang reception.

Na sa pagbungad mo pa lang, mamamangha ka na. Sa lobby pa lang ay nagkalat na ang sangkatutak na masasarap na pagkain, at mabubusog ka na agad, at puwedeng malasing, sa rami rin ng alak.

May time magtsikahan ang mga bisita habang naghihintay sa pagbukas ng bonggang venue na binihisan talaga na akala mo ay isang malaking kaharian sa sobrang dami ng ilaw at magagandang kagamitan sa lamesa.

Anyway, sa dagat nga nagdaos ng anibersaryo sina Marian at Dong. Kasama nila ang mga anak nilang sina Zia at Sixto.

At kumusta na ba ang samahan nila sa loob ng anim na ton?

“Obyus bang gigil na gigil pa rin ako sa iyo? Happy 6 years my love!” sabi ni Dong sa photo nila ni Marian na yakap-yakap niya ang misis.

Well, sa ganda, alindog ni Marian, hindi talaga mawawala ang gigil s kanya ni Dong, no!

“Love you…” ang puno ng pag-ibig na sagot naman ni Marian.

Well, sabi nga ni Marian, dahil sa pandemya, lalong naging masidhi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa. Na magkasama nga sila sa bahay, at nagawa nilang palaguin pa nang husto ang pag-ibig nila sa isa’t isa.

Jessica Sanchez, Sharon mangunguna

sa ‘Himig ng Pasko at Pag-asa’

Tuloy na tuloy ang Gabay Guro Himig ng Pasko at Pag-asa: An FB Live New Year Benefit Concert para sa mga biktima ng bagyo. Magaganap ito ngayong Dec. 31, 8pm sa Gabay Guro Facebook page.

Sobrang hitik na hitik sa malalaking artista ang event na ito. Aba, magsasama-sama kasi sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, Regine Velasquez, Martin Nievera, Kuh Ledesma, Basil Valdez, Randy Santiago, Vina Morales, Joey Albert, Mark Bautista, Erik Santos, Christian Bautista, Morissette, The Company, Klarisse, Aicelle Santos, Kiana Valenciano, Paolo Valenciano, Gab Valenciano, The Ryan Cayabyab Singers, at si Jessica Sanchez!

Winner, di ba?

Ito ay handog ng PLDT-Smart Foundation and Metro Pacific Investments. In collaboration with the Congressional Spouses Foundation and the Department of Education.

This concert aims to spark hope and financially assist our dear teachers who were affected by the recent typhoon.

The post Dingdong nanggigil sa alindog ni Marian first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *