Dingdong naiyak sa pag-renew ng kontrata sa GMA-7

Kitang-kita ang mga ngiti sa mukha ni Dingdong Dantes sa renewal of contract niya sa GMA-7. Yes, nananatiling Kapuso nga si Dingdong, kahit may nagsasabi na baka lumipat siya sa ABS-CBN dahil sa madalas na paggawa niya ng pelikula sa Star Cinema.

The post Dingdong naiyak sa pag-renew ng kontrata sa GMA-7 appeared first on Abante News Online.

dingdong naiyak sa pag renew ng kontrata sa gma 7 - Dingdong naiyak sa pag-renew ng kontrata sa GMA-7
dong yan - Dingdong naiyak sa pag-renew ng kontrata sa GMA-7

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Dingdong naiyak sa pag-renew ng kontrata sa GMA-7Kitang-kita ang mga ngiti sa mukha ni Dingdong Dantes sa renewal of contract niya sa GMA-7. Yes, nananatiling Kapuso nga si Dingdong, kahit may nagsasabi na baka lumipat siya sa ABS-CBN dahil sa madalas na paggawa niya ng pelikula sa Star Cinema.

Pero nu’ng pinalabas ang VTR na inihanda ng GMA-7 para kay Dingdong, nag-iba ang itsura ng mukha ni Dingdong. Biglang-bigla, nagpupunas na siya ng luha, at pulang-pula ang kanyang mga mata at mukha.

“Nag-flashback talaga lahat. Sabi ko nga, hindi ako makakara­ting dito sa kung nasaan man ako ngayon, kung walang nagtiwala sa akin. Na kahit isa lang ang magtiwala sa akin noon, malaking bagay na ‘yon.

“Kaya gusto ko rin ibalik ang tiwalang ibinigay nila sa akin,” sabi ni Dingdong.

Ang isa ngang pasabog sa renewal of contract ni Dingdong ay ang pagbibida niya sa Pinoy version ng “Descendants of the Sun” (Korean drama na pinagbidahan nina Song Joong-ki at Song Hye-kyo.

“Hindi ko pa alam kung sino ang mga kasama, kung kailan kami magti-taping.

“Ayoko rin makialam sa pagpili ng cast. Wala akong say dapat. I mean, klaro naman sa akin na hindi ako dapat kasama sa proseso ng pagpili. More on sa story o character ako.

“Napanood ko na ang Korean. Grabe ang kuwento. I fell in love sa story,” sabi ni Dong.

Pero, ano pa ba ang mga gusto niyang gawin sa GMA-7?

“Sa mga shows nagbabago-bago ‘yan. Pero sa involvement, gusto ko talaga na, kasama ako. Lalo na sa paggawa ng pelikula. Alam naman natin na very soon ang GMA Films ay maglalabas din ng maraming pelikula.

“Of course committed ako sa GMA. Iba ‘yung home network, eh.”

‘Grabe ang paghihirap niya’
Marian bubusugin ng pagmamahal ni Dong

Hindi rin maitago ang mga ngiti sa mukha ni Dong dahil sa bagong baby nila ni Marian Rivera, si Sixto.

“Normal delivery siya. Iba pala ang baby boy, mas tahimik, mas suplado pa.

“Hindi ko pa alam kung sino ang kamukha. Nag-iiba araw-araw, eh.

“Tuwang-tuwa ang daddy ko na may baby boy na ako.”

Nagbantay nga raw si Dingdong mula sa pagli-labor hanggang sa pa­nganganak ni Marian.

“Nakita ko eh. Kaya alam niyo as much as we celebrate the birth of Sixto, I also celebrate her (Marian) strength. Dahil grabe talaga ang pinagdadaanan ng mga nanay. Dinala nila for 9 months, grabe ang paghihirap. Kaya ‘pag nagbi-birthday ang isang tao, dapat sini-celebrate talaga.

“Talagang saludo ako at iba ang respeto ko sa aking asawa, at sa lahat ng mga babae.

“Kaya nga­yon, kung ano ang kailangan para ma-pamper siya, para mas maging kumportable siya, gagawin ko,” sambit ni Dingdong.

Ano ang reaksyon ni Zia?

“Si Zia in-expect na niya, kaya niyakap na niya agad. Sabi ko, ‘oy, ‘wag masyadong mahigpit.’ Hahahahaha!”

Ziggy na ba ang palayaw?

“Kung ano ang mas kumportable si Zia na itawag sa kanya. Sa nga­yon siya ay si Sixto,” sabi na lang ni Dingdong.

The post Dingdong naiyak sa pag-renew ng kontrata sa GMA-7 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *