Dingdong, Jennylyn binawalang maghalikan

Na-miss talaga ni Dingdong Dantes ang kanyang mag-iina dahil galing sa halos anim na buwan na magkakasama lang sila sa bahay, first time na mahigit isang Linggo na wala siya sa bahay.

The post Dingdong, Jennylyn binawalang maghalikan first appeared on Abante.

dingdong jennylyn binawalang maghalikan - Dingdong, Jennylyn binawalang maghalikan
abante dingdong - Dingdong, Jennylyn binawalang maghalikan

dondon sermino 6 - Dingdong, Jennylyn binawalang maghalikanNa-miss talaga ni Dingdong Dantes ang kanyang mag-iina dahil galing sa halos anim na buwan na magkakasama lang sila sa bahay, first time na mahigit isang Linggo na wala siya sa bahay.

Sa Instagram, malinaw na sinabi nitong naghahanap pa siya ng signal para makausap o makita sina Marian Rivera at dalawang anak na sina Zia at Ziggy.

Sey ni Dingdong, “We are at Day 7 of our lock-in shoot here in Rizal to finish Descendants of the Sun PH. The initial few days of the shoot was challenging because we were all adjusting to the new protocols. Pero bonus talaga that the team has already established a good and smooth working relationship, kaya naging mas madali ang adjustment.

“So, today is rest day, and I had to ride a few kilometers to get some signal within the property. Kahit mahirap ang connection, it’s time to check on my family- my wife and kids, who I truly miss.”

Gayundin din daw sa kanyang bagong business, ang @dingdong.ph na may ongoing dry run at ang pinamumunuan niyang @aktorph.

Pero masuwerte pa rin si Dingdong at ibang cast ng Descendants of the Sun dahil tumagal lang ng halos sampung araw ang taping nila sa Tanay, Rizal. Then, after that, wala na, tapos na nilang i-taped ang lahat ng mga fresh episodes ng serye.

Nalaman din namin na dahil sa mga guidelines ng IATF sa new normal taping, restricted na ang mga kissing scene nila ni Jennylyn kaya wala na nito sa DOTS.

Andi sinopla IG follower

Hindi pinalampas ni Andi Eigenmann ang isang Instagram follower niya na pinagsabihan siyang limitahan naman daw ang mga ads na ipino-post niya.

Sey ng kanyang IG follower, “Please limit ads. Nakakaumay eh. What we want are your family activities.”

Sagot ni Andi: “If it doesn’t please you to see me mentioning these local brands that I would like to support and help out, specially in these trying times, because I believe in their products, then please feel free to unfollow.”

Sinabihan naman ng ibang netizens ang follower na social media account ni Andi yun at malaya itong mag-post ng kung ano ang gusto niyang i-post.

The post Dingdong, Jennylyn binawalang maghalikan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *