Dimples, produ nagsabwatan sa pagpapaligaya kay Darna

Si Dimples Romana ang may pinakamalaking bahagi sa naganap na engagement nina Angel Locsin at Neil Arce.

The post Dimples, produ nagsabwatan sa pagpapaligaya kay Darna appeared first on Abante News Online.

dimples produ nagsabwatan sa pagpapaligaya kay darna - Dimples, produ nagsabwatan sa pagpapaligaya kay Darna
domples - Dimples, produ nagsabwatan sa pagpapaligaya kay Darna

Si Dimples Romana ang may pinakamalaking bahagi sa naganap na engagement nina Angel Locsin at Neil Arce.

Mismong si Neil ang nagsabi sa kung ano ang naging partisipasyon ni Dimples, at kung bakit nagkasya ang singsing sa daliri ni Angel na binili niya.

Nag-post si Dimples ng throwback photo nila ni Angel na kuha sa dati nilang seryeng pinagsamahan ang “Lobo”. Sa caption ay nagpapaalam na si Dimples kay Angel bilang tagapag-alaga niya dahil meron na ngang iba na mag-a-alaga sa huli na panghabang-buhay na nga.

Nagpasalamat si Dimple kay Angel sa pagbibigay sa kanya nang tiwalang maging bahagi siya ng kanyang buhay hanggang sa kasalukuyan bilang kaibigan.

Nag-‘I love you’ si Dimples kina Angel at Neil na parehong naging malapit sa puso nya. Sinabi rin ng “Kadenang Ginto” star na hindi siya mawawala sa buhay ni Angel.

Nag-comment si Neil at sa pagpapasalamat kay Dimples na ito ang kumuha ng ring size ni Angel.

“Salamat sa lahat especially sa pagkuha ng ring size niya,” sabi ni Neil.
Malinaw na kinuntsaba ni Neil si Dimples para makuha ang ring size ni Angel.

Anyway, nag-react at umalma si Angel sa pamamaalam ni Dimples sa kanya.
Pabirong sey ni Angel, hindi raw siya puwedeng iwan ng kaibigan dahil marami pa itong duties na gagawin para sa kanya.

“Dito ka lang sa tabi ko,” sabi pa ni Angel kay Dimples. (Rey Pumaloy)

The post Dimples, produ nagsabwatan sa pagpapaligaya kay Darna appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *