Dimples napagod sa ‘kakarampa’

Nakiusap, nagma­kaawa na sa kanyang mga Twitter follower si Dimples Romana nu’ng Lunes ng gabi, na baka puwede na siyang matulog, kung wala na siyang pupuntahan pang iba.

The post Dimples napagod sa ‘kakarampa’ appeared first on Abante News Online.

dimples napagod sa kakarampa - Dimples napagod sa ‘kakarampa’
ABANTE dimple - Dimples napagod sa ‘kakarampa’

Nagmakaawa sa mga netizen:

Nakiusap, nagma­kaawa na sa kanyang mga Twitter follower si Dimples Romana nu’ng Lunes ng gabi, na baka puwede na siyang matulog, kung wala na siyang pupuntahan pang iba.

Ang tweet na ito ni Dimples ay bilang reaksyon niya sa mga trending meme ng kanyang photo na kuha sa isang eksena sa “Kadenang Ginto” na naka-red dress, naglalakad habang karay-karay ang pulang maleta at isang maliit na bag.

Nag-trending ang mga meme na ito ni Dimples dahil nilagyan ng iba’t ibang background. Kung saan-saan nagpunta ang shot na ito ni Dimples bilang Dani­ella Mondragon sa serye, dahilan para iluklok siya bilang “viral star” ng social media.

Maging si Sylvia Sanchez ay napahalakhak sa comment niya sa mga meme at tinawag ang pansin ni Dimples.

Anyways, sinakyan ni Dimples ang kasikatan ng kanyang mga meme at nagbiro ito na kung wala na bang papupuntahan sa kanya ang mga netizen, dahil gusto na nga niyang matulog.

Dahil nag-trend ang mga meme, kinabog ni Dimples sa kasikatan niya si Beauty Gonzales na siyang may underdog character sa serye.
***

Daniel dedma sa KathDen movie

Nagparamdam na ng full support niya si Karla Estrada sa “global trailer premier” ng pelikula nina Kathryn Bernardo at ng Kapuso actor Alden Richards, ang “Hello, Love, Goodbye” ng Star Cinema.

Isa si Karla sa nag-repost ng post ng Star Cinema sa kanyang Instagram, at sinabing excited na siyang mapanood ang pelikula.

Hindi apektado si Karla sa paghihiwalay pansamantala ng tambalang Daniel Padilla at Kathryn o KathNiel.

Ikinatuwa ng mga fan ni Kathryn ang support ni Karla sa kanilang idolo. Pero may ilang KathNiel fan ang ayaw pa ring tanggapin na naipareha sa iba ang kanilang idolo.

Tahimik pa si Daniel sa paglabas ng trailer ng nasabing pelikula. Kilala naman si Daniel na tamad gamitin ang kanyang social media, dahil ang last post niya ay nu’ng May 3 pa.

Heart gustong gawing fashionista ang anak ni Chiz

Parang inuumpisahan na ni Heart Evangelista ang pag-eengganyo sa kanyang stepdaughter na maging gaya niya na isang fashionista, at ma-expose sa mga fashion shows sa Paris.

Naka-post sa Instagram wall ni Heart ang larawan nila ni Chesi habang nasa Paris. Si Chesi ay ang anak na babae ni Sorsogon Governor Chiz Escudero sa una nitong asawa.

Sey ni Heart sa caption ng larawan, “Our special lady is joining me on my trip to Paris this time.”

Kinaray ni Heart ang isa sa dalawang anak ni Chiz para sa mga gagawin nitong panonood sa mga fashion show. Posibleng nais ni Heart na ma-witness ng bata ang fashion trend sa Paris at sa murang edad nito ay ma-appreciate na niya ang mundong ito.

Si Chesi at ang kapatid nitong si Joaquin ang sinasabi ni Heart sa press launch ng pagiging endorser niya ng Thiocell Glutathione na dalawang bata na itinuturing niyang mga anak.

The post Dimples napagod sa ‘kakarampa’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *