Digong nag-referee: Gretchen, Marjorie ‘nagsabunutan’

Nakakaloka talaga dito sa showbiz. Ang dami-daming isyu. Maski ako may personal isyu, pero hayaan muna natin ‘yun at mas nakakaloka ang mga nangyayari ngayon. Related naman ito sa mga namamatay. Patay na hindi pa rin makakaligtas sa mga intriga.

digong nag referee gretchen marjorie nagsabunutan - Digong nag-referee: Gretchen, Marjorie ‘nagsabunutan’
gretchen x marjorie - Digong nag-referee: Gretchen, Marjorie ‘nagsabunutan’

Nakakaloka talaga dito sa showbiz. Ang dami-daming isyu. Maski ako may personal isyu, pero hayaan muna natin ‘yun at mas nakakaloka ang mga nangyayari ngayon. Related naman ito sa mga namamatay. Patay na hindi pa rin makakaligtas sa mga intriga.

Napabalita na nag-away daw sina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto sa burol ng ama. Kesyo nagsabunutan pa daw. Matatandaan na matagal nang may hidwaan ang magkakapatid na kinamatayan na ng ama. Marami ang nag-aabang kung pupuntahan ni Gretchen ang burol ng ama since hindi ito nagpakita noong nakaratay ito sa ospital. Sana man lang, may patay at dapat igalang nila ang namayapa at isantabi muna ang hidwaan.

Pero namayani ang galit at poot ng magkakapatid at doon pa raw mismo sa harap ng marami na nagtadyakan pa umano.

Ang nakakaloka, sa pag-aaway ay natamaan daw ang Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang naroroon nang magpang-abot ang dalawa. Sinubukan umano nitong awatin ang magkakalabang panig.

Umalis na lang daw ang Pangulo na bastusan sa inasal ng magkakapatid. May narinig pa daw ito mula kay Julia Barretto na bakit daw nandu’n ang Pangulo gayung hindi nila ito type. Kaya umalis umano agad ang Pangulo at nag-motor na lang. Kaya dito naaksidente sa motor ang Pangulo.

Hindi nagiging maganda ang imahen ng mga Barretto sa inasal nila sa burol. Ang maganda ay pinuntahan ni Gretchen ang burol ng ama. (Joe Barrameda)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *