Digong, Bong Go magpe-perform sa b-day ni Ruffa?

Naaliw ako nang sumama ako kay Annabelle Rama sa meeting ng Best Night Ever, ang birthday dinner concert tribute kay Ruffa Gutierrez na gaganapin sa The Marriott Grand Ballroom on June 22.

The post Digong, Bong Go magpe-perform sa b-day ni Ruffa? appeared first on Abante News Online.

digong bong go magpe perform sa b day ni ruffa - Digong, Bong Go magpe-perform sa b-day ni Ruffa?
ruffa - Digong, Bong Go magpe-perform sa b-day ni Ruffa?

abante anything goes jun lalin 336x224 - Digong, Bong Go magpe-perform sa b-day ni Ruffa?Naaliw ako nang sumama ako kay Annabelle Rama sa meeting ng Best Night Ever, ang birthday dinner concert tribute kay Ruffa Gutierrez na gaganapin sa The Marriott Grand Ballroom on June 22.

Kahit kasi sa direktor ng event na ‘yon, kay Direk Erick Salud at sa head writer na si Garlic Garcia ay inililihim ni Bisaya ang two big stars na special guest sa event na ‘yon.

Pinipilit kasi ng dalawa na i-reveal na ni Bisaya, pero ayaw niya talaga. Para raw maiyak sa surprise si Ruffa.

“So, Tita, ano ba ang kakantahin ni Karla for Ruffa?” panghuhuli ni Garlic kay Bisaya na akala pala ay si Karla Estrada ang magsu-surprise kay Ruffa.

“‘Day, hindi si Karla (ang isa sa dalawang special guest),” diin ni Bisaya.

“Baka naman si President Digong ang surprise Tita at kasama niyang kakanta si Senator Bong Go?” sagot naman ni Garlic.

“Kung puwede nga lang sana, pero hindi pa rin. Haya-an n’yo na lang kasi na maging surprise na lang at hindi mabuko ni Ruffa,” sabi pa ni Bisaya.

Maya-maya, tumawag si Ruffa at nang malamang nagmi-meeting kami para sa birthday event niya ay nangulit kung sino ba talaga ang mga magsu-surprise sa kanya.

“Naku, Ruffa, huwag kang makulit, hindi mo malalaman,” sabi pa ni Bisaya at nag-dialogue naman si Ruffa sa kabilang linya na, “Ay naku, baka sina Daddy (Eddie Gutierrez) at Mommy pala ang magsu-surprise sa akin. Ano kaya ang idu-duet nila? Hahaha!”

Natawa rin si Bisaya na inaakala pala ni Ruffa na sila ni Tito Eddie ang dalawang magsu-surprise.

“Naku, hindi ako puwedeng kumanta,” sey ni Bisaya na minsan lang kumanta isang event.

Sexy actress madalas atakehin ng depresyon

Madalas palang sinusumpong ng anxiety attack ang isang sexy actress na produkto ng isang reality show. Marami raw personal issues si sexy actress.

Nang minsang nag-out of town show siya at sinamahan siya ng kanyang manager, inatake raw siya ng anxiety.

Dahil daw sa depression din kaya nagkaka-anxiety attack si sexy actress.

Hindi kaya dahil din sa wala na sa kalendaryo ang edad niya, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang mahanap na matinong karelasyon kaya nagkaka-depression siya?

The post Digong, Bong Go magpe-perform sa b-day ni Ruffa? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *