Diego ‘kawawa’ kay Barbie

Napakaraming mga basher, o nahusgahan na agad si Barbie Imperial o pwede rin, may mga pinanggalingan kasi sa mga past issues niya ang mga hanash ng mga netizen.

The post Diego ‘kawawa’ kay Barbie first appeared on Abante.

diego kawawa kay barbie - Diego ‘kawawa’ kay Barbie
abante diego barbie - Diego ‘kawawa’ kay Barbie

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 3 300x180 - Diego ‘kawawa’ kay BarbieNapakaraming mga basher, o nahusgahan na agad si Barbie Imperial o pwede rin, may mga pinanggalingan kasi sa mga past issues niya ang mga hanash ng mga netizen.

Sa pag-come-out nina Diego Loyzaga at Barbie sa kanilang relasyon ngayong New Year, kasabay rin nito ang samu’t saring mga comment ng mga netizen sa kanila.

Majority of the comments, nakakaramdam ng awa para kay Diego. Siguro, malaking factor yung nangyari sa actor noon at para sa kanila, mahina raw ito. Kawawa raw ito dahil “expert” na si Barbie sa public relationship.

Sabi naman ng isang comment, “Barbie just need to mature. Para wala nang drama.”

Pero may nag-comment din na hindi naman kilala talaga ang dalawa ng mga tao kaya hindi dapat husgahan. At higit sa lahat, maging masaya na lang sa new found happiness nila.

May nakakita sa kanilang magkasama sa Bohol at sinabing bagay ang dalawa at hindi rin daw mga snob.

***

Mga pinoy star apektado sa relasyon nina Hyun Bin, Son Ye Jin

Dahil napakaraming local celebrities na na-involved sa k-drama na Crash Landing on You, posibleng dahil panahon ng ecq (enhanced community quarantine) ng time na yun kaya naging outlet ng karamihan ang panonood ng k-drama.

Ang daming na-in-love sa love story ng mga South Korean actor and actress na sina Hyun Bin at Son Ye Jin. At ngayon ngang umamin na sila officially as a couple, nagbunyi rin ang mga naging tagahanga nila.

Ilan sa mga nakita naming nag-post pa, sina Yasmien Kurdi, Cheska Garcia-Kramer at iba pa. Pero, baligtad si Tanya Garcia na super bet si Hyun Bin. Na nang mag-lock in taping ito para sa bagong serye sa GMA-7, baon pa ang regalo ng anak niya na pillow ni Hyun Bin.

Pero feeling broken hearted ito na ang dalawa na. Di niya feel na si Son Ye Jin na at si Hyun Bin. Kaya naman, ayaw na raw niya at nagpalit na ng kanyang “oppa”, ang bagets na si Cha Eun Woo na.

Ang 2020 ay mas lalong naging popular kahit sa mga celebrities sa bansa, magtutuloy-tuloy kaya ito ngayong 2021?

Derek basura na kay Andrea

Magandang mag-move-on si Andrea Torres. Ito ang obserbasyon ng mga netizens sa actress.

Bukod sa hindi rin ito nariringgan ng kahit anong komento o kahit anong post na may pa-shade or pagpaparinig. Kumbaga, parang hindi na nagi-exist si Derek kay Andrea, o tipong ‘basura’ na agad ang tingin niya rito, na ayaw na niyang pag-aksayahan ng panahon.

Iba rin ‘yung mga comment ng iba. Hanggang ngayon may angst pa rin kay Derek Ramsay sa nangyaring break-up. May comment pa sa mga sexy photos ni Andrea na pasabog daw, kabaligtaran daw sa ex nito na sabog.

Baka naman kapag may mga new found love na ang dalawa, mag-move-on na rin ang mga namba-bash.

The post Diego ‘kawawa’ kay Barbie first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *