Dianne Medina tinawag na starlet, sawsawera

Tinawag na “sawsawera” at “starlet” ng isang netizen ang aktres at future bride ni Rodjun Cruz na si Dianne Medina. Kay Dianne kasi nagsimula ang ‘duraan’ issue na kinasangkutan ng pinsan niyang si Maxine Medina at ni Miss International 2016 Kylie Verzosa sa set ng teleserye na “Los Bastardos”.

dianne medina tinawag na starlet sawsawera - Dianne Medina tinawag na starlet, sawsawera
dianne - Dianne Medina tinawag na starlet, sawsawera

Tinawag na “sawsawera” at “starlet” ng isang netizen ang aktres at future bride ni Rodjun Cruz na si Dianne Medina. Kay Dianne kasi nagsimula ang ‘duraan’ issue na kinasangkutan ng pinsan niyang si Maxine Medina at ni Miss International 2016 Kylie Verzosa sa set ng teleserye na “Los Bastardos”.

Sa Facebook ni Dianne nagsimula ang blind item kay Kylie hanggang sa mapangalanan na ito.

Ayon sa post ng netizen, ilang weeks na palang naganap ang insidenteng iyon. Noong ilabas daw ni Dianne ang blind item, nakapag-sorry na raw si Kylie kay Maxine. Inamin ni Kylie na na-carried away siya sa eksena.

Sey pa ng netizen na hindi naman daw lalaki ang issue kung hindi sumawsaw ang pinsan ni Maxine. Hindi naman nagpatalo si Dianne at sinagot niya ang netizen na tinawag siyang sawsawerang starlet.

“Ako ba talaga ba nakikisawsaw o ikaw? Isipin mo!” sagot ni Dianne sabay pinost niya ang photo ng netizen na nam-bash sa kanya.

Dagdag pa ni Dianne: “Sige ako na ang starlet, ikaw na ang star.” (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *