Diana 2 linggo nagkulong matapos manganak

Dalawang linggong na-lockdown sa sarili niyang bahay si Diana Zubiri matapos itong manganak sa ikatlo niyang supling. Pagkagaling sa ospital ay dumiretso na si Diana sa kanyang bahay at nag-self quarantine na sa kuwarto kasama ang bagong silang na baby na si Amira Jade.

The post Diana 2 linggo nagkulong matapos manganak first appeared on Abante.

diana 2 linggo nagkulong matapos manganak - Diana 2 linggo nagkulong matapos manganak
Diana Zubiri - Diana 2 linggo nagkulong matapos manganak

Dalawang linggong na-lockdown sa sarili niyang bahay si Diana Zubiri matapos itong manganak sa ikatlo niyang supling. Pagkagaling sa ospital ay dumiretso na si Diana sa kanyang bahay at nag-self quarantine na sa kuwarto kasama ang bagong silang na baby na si Amira Jade.

Emosyonal at hindi napigilan ng mister niyang si Andy na umiyak sa in-upload na video sa YouTube channel ng aktres sa buong proseso ng pagdadalantao hanggang sa panganganak.

Hindi nabantayan, nasaksihan ng personal, nahawakan ni Andy ang anak dahil sa safety protocols ng mga nanganganak sa ospital.

Litrato na lang ng kanyang baby ang ipinadala sa kanyang cellphone.

Nagkakasya na lang si Andy na dumaan sa balkonahe ng bahay nila para silipin mula sa bintana ang kanyang mag-ina para kunan din ito ng photos at video.

Dalawang linggo ang requirement ng quarantine ni Diana at ng baby bago sila makalapit sa asawa at sa iba pang tao sa bahay. (Rey Pumaloy)

The post Diana 2 linggo nagkulong matapos manganak first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *