‘Di na ma-reach: Ganda ni Heart binalandra sa New York

Ayaw talagang papigil ng kagandahan ni Heart Evangelista sa international fashion scene, dahil hindi lang sa Paris, France bumango ang kanyang pangalan, at nakaabot na rin ang angas ng kanyang beauty sa Amerika.

The post ‘Di na ma-reach: Ganda ni Heart binalandra sa New York first appeared on Abante.

di na ma reach ganda ni heart binalandra sa new york - ‘Di na ma-reach: Ganda ni Heart binalandra sa New York
heart 4 - ‘Di na ma-reach: Ganda ni Heart binalandra sa New York

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 1 300x180 - ‘Di na ma-reach: Ganda ni Heart binalandra sa New YorkAyaw talagang papigil ng kagandahan ni Heart Evangelista sa international fashion scene, dahil hindi lang sa Paris, France bumango ang kanyang pangalan, at nakaabot na rin ang angas ng kanyang beauty sa Amerika.

Nakahambalang ang larawan ni Heart sa isang billboard sa New York para sa ad campaign ng isang luxury bag. Ang tarush nga ng aktres sa billboard nito na nakaposte sa busy street ng New York.

Ibinahagi ito ni Heart sa kanyang Instagram kalakip ang larawan ng kanyang billboard.

Nagpasalamat ito sa brand dahil sa tiwala nito sa kanyang maging image model.

Sa bagong achievement na ito ni Heart mahihirapan ang sinumang Pinoy star na mapantayan o humabol pa sa mga naabot ng pagiging isa niyang fashionista.

Unang-una, milyones ang naging puhunan ng aktres at ilang taon din ang dumaan para umeksena siya abroad.

Regine binansagang ‘Budol-Budol’ Queen

Budol-Budol Queen ng mga concert artist ang bansag ngayon kay Regine Velasquez-Alcasid na hindi naman nito kinokontra, bagkus ay sinang-ayunan pa nga niya.

Paano kasi, kay Regine mismo nanggaling ang salitang budul-budol kaugnay sa magaganap na virtual concert niya sa February, ang “Freedom”.

Taktika ni Regine sa lahat ng mga social media account niya ang salitang “budol” sa pag-iimbita niya sa kanyang concert.

Binabakla ni Regine ang imbitasyon niya sa mga fan, kasabay nang pangako niya ng magandang palabas sa loob ng dalawang oras, at may special meet & greet pa, pati request-express ng mga nagnanais na makarinig ng paborito pa nilang kanta.

Ito marahil ang ibig sabihin ni Regine sa ‘budol-budol’, ang walang kawawaan niyang pangungulit sa mga fan na manood ng concert niya.

Medyo mahal nga lang sa panahon ng pandemya sa halagang P2,500 ang ticket para sa limited slots at P1,500 naman para sa regular na slot.

Nangako naman si Regine na tatagal ng 10 oras ang show niya, na dapat tutukan kung matutupad nga ba ito o hindi.

Catriona ‘nangilabot’ sa b-day pasabog ni Sam

Tumodo nang husto si Sam Milby sa pagpapasikat kay Catriona Gray, nang i-treat nya ang kasintahan at bayaran ang buong cabin para sa birthday celebration ng beauty queen.

Tagumpay naman ang singer-actor sa effort nito lalo’t labis na nagustuhan, ikinatuwa ni Catriona ang birthday present sa kanya ni Sam.

Bilang pagmamalaki, pinoste pa ni Catriona ang video na nagpapakita ng buong cabin, na naka-lokasyon sa gitna ng mga kakahuyan o kagubatan.

Medyo nangilabot lang si Catriona sa lugar dahil ganito ang mga bahay na napapanood niya sa mga horror at suspense thriller movies.

Walang birthday cake kundi pizza ang pinagsaluhan ng dalawa at champagne.

Mistulang honeymoon ang naging set-up ng birthday rustic cabin in the woods ni Catriona, dahil sa romantic feels o vibes ng lugar at sa video na napanood ng kanilang mga follower sa Instagram.

The post ‘Di na ma-reach: Ganda ni Heart binalandra sa New York first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *