‘Di ko naging dyowa si Elisse – Jameson

Sa virtual presscon ng My Lockdown Romance, may nagtanong kay Jameson Blake kung totoo bang nagkabalikan sila ni Elisse Joson. Natsismis nga sina Jameson at Elisse noon, at sabi-sabing dahilan kung bakit nagkahiwalay noon sina McCoy de Leon at Elisse.

The post ‘Di ko naging dyowa si Elisse – Jameson first appeared on Abante.

di ko naging dyowa si elisse jameson - ‘Di ko naging dyowa si Elisse – Jameson
abante jameson - ‘Di ko naging dyowa si Elisse – Jameson

Sa virtual presscon ng My Lockdown Romance, may nagtanong kay Jameson Blake kung totoo bang nagkabalikan sila ni Elisse Joson. Natsismis nga sina Jameson at Elisse noon, at sabi-sabing dahilan kung bakit nagkahiwalay noon sina McCoy de Leon at Elisse.

“Hindi po totoo `yon. We were never together po! Hahahaha!

“At saka, matagal na po `yon,” sagot ni Jameson.

Anyway, sina McCoy at Elisse nga ang nagkabalikan ngayon. At sabi nga ni McCoy sa interview namin sa kanya noon bilang bagong artista ng Viva Artist Agency, hindi sila nag-away ni Jameson.

Siyanga pala, si Joao Constancia ang ‘leading man’ ni Jameson sa kanyang bagong pelikula, ang My Lockdown Romance. Gumaganap si Jameson bilang si Tom, na napilitang harapin ang itinago na pilit kinalimutang nakaraan kay Kendrick (Joao).

Yes, sina Joao at Jameson nga ang mga bagong dagdag sa lumalagong pamilya ng mga BL (boys love), na sa ngayon ay pinaghaharian o pinagrereynahan nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos. (Dondon Sermino)

The post ‘Di ko naging dyowa si Elisse – Jameson first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *