‘Di ako depressed — Claudine

Marami ang nag-iisip na may pinagdaraanan ngayon si Claudine Barretto, dahil sa mga pinu-post niya sa Instagram. Puro hugot nga raw sa buhay ang madalas nilang nababasa ngayon sa IG wall ni Claudine.

di ako depressed claudine - ‘Di ako depressed — Claudine
claudine 2 - ‘Di ako depressed — Claudine

Marami ang nag-iisip na may pinagdaraanan ngayon si Claudine Barretto, dahil sa mga pinu-post niya sa Instagram. Puro hugot nga raw sa buhay ang madalas nilang nababasa ngayon sa IG wall ni Claudine.

At medyo nagtataka rin ang marami dahil hindi sila madalas na nagkakasama ngayon ni Gretchen Barretto.

Anyway, sa IG live ni Claudine, na kung saan ay super lantak siya sa masarap na pagkain na inihanda ng kapatid ng kaibigan niyang si Bianca, nabanggit niya ang mga linyang ito…

“‘Di ba ‘pag depressed ka either kakain ka nang marami or emotional ka at ayaw mong kumain. Buti nandu’n ako sa ayaw kong kumain.

“So hindi ako depressed. I mean a few days ago, or kagabi. Pero ngayon, okey ako,” sabi ni Claudine habang sarap na sarap sa kinakain niyang sisig.

Dahilan ni Claudine, kaya naman niyang kumain ng masarap ngayon dahil nag-morning jog naman daw siya.

Napag-usapan din nila si Gretchen, na sabi nga niya…

“‘Pag na-try ito ng ate ko (pancit), magugustuhan niya ito.

“Si Ate hindi siya nag-aral na parang chef. Gumagawa lang siya ng sarili niyang recipe. Bigyan mo siya ng kung ano-ano, kaya niyang gawan ng paraan.

“Nagtatampo ako, kasi sa sobrang busy niya, wala akong supply na pagkain mula sa kanya, wala akong sopas. Hahahaha!” natatawang chika pa niya.

“Pareho kami ng taste buds, na lahat ng food na gusto niya, gusto ko rin.

“Nagulat nga silang lahat na pareho kami ng gustong pagkain,” saad pa ni Claudine.

Anyway, busy si Claudine sa pag-aalaga ng bagong baby na ang pangalan ay Noah.

(Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *