Derrick natensiyon sa ‘BJ’

Sobrang honored si Derrick Monasterio na maging parte ng cast ng “Beautiful Justice”. Gagampanan ni Derrick ang role ni Lance, isang undercover PDEA agent.

derrick natensiyon sa bj - Derrick natensiyon sa ‘BJ’
derrick 1 - Derrick natensiyon sa ‘BJ’

Joe Barrameda Talbog 2 336x224 - Derrick natensiyon sa ‘BJ’Sobrang honored si Derrick Monasterio na maging parte ng cast ng “Beautiful Justice”. Gagampanan ni Derrick ang role ni Lance, isang undercover PDEA agent.

Kuwento ng Kapuso hunk actor, malaking pribilehiyo ang mapagkatiwalaan ng ganitong role. Na kahit may pressure sa pagsisimula ng kanilang serye, inspired sila na magtrabaho dahil sa suporta ng GMA.

“Nakaka-pressure po pero at the same time okay naman, masaya kami kasi marami kaming support from PDEA, from our Kapuso. Magagaling ‘yung team namin, stuntmen, si Direk Mark (Reyes) sobrang passionate sa project na ito and ‘yung buong team lahat ng actors talagang makikita mo ‘yung intensity nila,” sabi ni Derrick.

Alden hiyang-hiya sa ‘Asia’s Multimedia Star’ title

Sobrang hiya ang naramdaman ni Alden Richards sa bagong bansag sa kanya na “Asia’s Multimedia Star” dahil sa mga achievement niya so far. After niyang mag-renew ng GMA Network contract na nasa ika-9 na taon na ay ipinaramdam niya sa mga Kapuso boss na sa GMA na talaga siya mananatili.

Unang taon pa lang daw niya ay pinagkatiwalaan siya agad ng isang leading role kahit baguhan pa lang siya. Mula noon ay nagtuloy-tuloy na siya na taon-taon ay binibigyan siya ng mahahalagang role.

Hanggang lumipas ang mga taon na unti-unti niyang nakamit ang matagal na niyang pinapangarap, at sa taong ito ay pinayagan pa siyang mag-explore outside his network at pinagbigyan siyang gumawa ng pelikula sa kabilang network na naging matagumpay at lalong nag-akyat sa pedestal sa kanya.

Next year, dahil ika-10 taon na niya sa GMA ay pinaghahandaan niya ang isang malaking concert.

‘Kabaliwan’ ni Max inilantad ni Pancho

Abala man sa taping ng hit GMA Afternoon Prime series na “Dahil Sa Pag-ibig”, hindi kinalimutan ng Kapuso actor na si Pancho Magno na batiin ang minamahal na asawang si Max Collins sa kaarawan nito noong August 28.

Sa nakakatuwang Instagram post, ipinakita ni Pancho ang wacky photos ni Max bilang pagbati sa kanyang 27th birthday na sinamahan niya ng nakakakilig na caption: “To the Love of my Life. Happy happy birthday baby! Enjoy your day! I miss you. @maxcollinsofficial.”

Katatapos lang ng pinagbidahang series ni Max na “Bihag” at proud na proud si Pancho sa naging pagtanggap ng viewers sa serye ng asawa. Samantala, patuloy na subaybayan ang mas umiinit na mga tagpo sa “Dahil sa Pag-ibig” mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Prima Donnas” sa GMA Afternoon Prime.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *