Derrick natakam sa mga beauty queen

Malakas ang atraksyon ni Derrick Monas-terio sa mga beauty queen. Nang makita niya ang mga picture ng mga nanalo sa nakaraang Binibining Pilipinas, agad-agad niyang itinuro kung sino ang kursunada niya.

The post Derrick natakam sa mga beauty queen appeared first on Abante News Online.

derrick natakam sa mga beauty queen - Derrick natakam sa mga beauty queen
ABANTE derrick - Derrick natakam sa mga beauty queen

abante i know better jun nardo 336x224 - Derrick natakam sa mga beauty queenMalakas ang atraksyon ni Derrick Monas-terio sa mga beauty queen. Nang makita niya ang mga picture ng mga nanalo sa nakaraang Binibining Pilipinas, agad-agad niyang itinuro kung sino ang kursunada niya.

Pero pigil din ang feelings ng Kapuso hunk pagdating sa pag-ibig.

Although nababalitang may beauty queen siyang pinopormahan, itinanggi niya ito sa huli naming pag-uusap.

Anyway, bago simulan ang bagong series sa GMA, bibida muna siya sa musical play na “Rak of Aegis” bilang si Tolits simula ngayong July sa PETA Theater.

Kasama rin si Derrick sa cast ng “Kiko and Lala” at isa pang movie kung saan mga millennial male star ang kasama niya.

Isa rin siya sa mga Kapuso hunk na matapang maglabas ng hubad niyang katawan sa social media. Rason niya kaugnay nito, gusto niyang magsilbing fitspiration sa mga kabataan ngayon at hindi para ipagyabang ang magandang katawan!

Lea maghihigpit sa pagpili ng mga baguhang singer

Talak ang dating ng recent tweet ni Lea Salonga matapos ang ginawang blind audition sa singing search ng mga bata ng isang network.

“Blind auditions are DONE!!! Y’all are not ready for this season. I repeat, YOU ARE ALL NOT READY!!!”

Naku, si Lea pa ba ang hindi makaaalam kung sino ang puwede o hindi puwedeng maging singer? Kaya bago sila piliin ng Broadway superstar, aba, kaila-ngang matindi ang boses nila para piliin ni Lea, huh!

The post Derrick natakam sa mga beauty queen appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *