Derrick kabado sa tapatan kay Coco

Isa sa may magandang role na ginagampanan sa bagong primetime series ng GMA-7 na “Beautiful Justice” ay si Derrick Monasterio.

derrick kabado sa tapatan kay coco - Derrick kabado sa tapatan kay Coco
coco 10 - Derrick kabado sa tapatan kay Coco

Isa sa may magandang role na ginagampanan sa bagong primetime series ng GMA-7 na “Beautiful Justice” ay si Derrick Monasterio.

May twist ang character nito na ni-reveal na rin sa presscon. Buong akala ay patay na ito bilang isa sa mga taga-PDEA pero buhay pa pala.

Sabi nga niya, “Hindi lang siya one dimension kaya hindi nakaka-bore gawin. Pero hindi ko pa kasi puwedeng sabihin ang mangyayari dahil mai-spoil.

“Pero maganda ‘to. Isa ito sa mga gusto kong gawin.”

Masaya rin daw siya na pinagkakatiwalaan sila ng Kapuso network na maging pantapat sa kalaban nila, which is ang “Ang Probinsyano” simula sa September 9.

Eh siya nga ang male lead na lumalabas sa “Beautiful Justice”. ‘Yung tipong siya ang pinantapat ng GMA kay Coco Martin?

“Honored ang pressured, si­yempre,” sey naman ni Derrick.

“Kasi siyempre, kahit anong gawin mo, ratings pa rin naman. Honored siyempre dahil may tiwala sila sa akin.

“At the end of the day, ‘yung tatlong girls pa rin naman ang magdadala.

But of course, buong cast ‘yan. Pero sila ang billing kaya feeling ko naman, kaya.”

Ang tinutukoy na tatlo ni Derrick ay ang mala-“Charlie’s Angels” sa “Beautiful Justice” na sina Gabbi Garcia, Bea Binene at Yasmien Kurdi.

At sa tatlo, sila ni Gabbi ang magkapareha ngayon sa serye. Kahit pa kasama rin nila si Bea na kilalang love team niya.

May known boyfriend si Gabbi, si Khalil Ramos na Kapamilya. Habang si Derrick naman daw ay single raw ngayon.

Kung nagkataon at walang boyfriend si Gabbi, posibleng ligawan niya ito?
“Puwede,” natawang sabi niya.

“Puwede po, kasi kami ni Gabbi ngayon nagkakasundo kami, off-cam. Nag-uusap kami na mga random na bagay lang, hindi ako nabu-bore at ‘yun ang importante sa akin.”

Alden kinasasabikan sa Cambodia

Si Alden Richards yata ang bukod na pinagpala sa mga aktor ngayon. Sunod-sunod talaga ang magagandang nangyayari sa kanya.

Career wise as an actor, mabunga lahat ng nangyayari kay Alden.

Showing pa rin hanggang ngayon ang mega-blockbuster movie niya na “Hello, Love, Goodbye” with Kathryn Bernardo.

Dumating na si Alden mula sa Seoul, South Korea kunsaan ay tumanggap ng Asian Star Prize sa katatapos na Seoul International Drama Awards 2019.

Sabi nga ni Alden, “Annyeonghaseyo! It’s an honor receiving this recognition. My heart is full. Kamsahamnida.”

Parang bagong artista si Alden ngayon kung tingnan ng mga tao o mga fans.

Halos lahat ng comments na nababasa namin ay guwapong-guwapo kay Alden gaya ng pag-attend niya sa naturang awards.

Ngayon ay pa-Cambodia naman si Alden for the premiere of HLG na kung saan ay marami na nga ang nag-aabang sa kanya, at pagbalik nito ay siguradong focus na siya sa taping ng bago niyang primetime series sa GMA, ang “The Gift”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *