Derrick, Jak, Paul, Kristoffer nagpalakihan ng ‘bukol’

Ayaw pakabog ng mga barako ng Kapuso network sa paglalantad ng kanilang mga ka-macho-han sa social media. Heto nga at nagbalandra ng kanilang mga ‘pandesal’ at muscle sina Paul Salas, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin at Jak Roberto.

The post Derrick, Jak, Paul, Kristoffer nagpalakihan ng ‘bukol’ appeared first on Abante News Online.

derrick jak paul kristoffer nagpalakihan ng bukol - Derrick, Jak, Paul, Kristoffer nagpalakihan ng ‘bukol’
ABANTE jaks boys - Derrick, Jak, Paul, Kristoffer nagpalakihan ng ‘bukol’

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Derrick, Jak, Paul, Kristoffer nagpalakihan ng ‘bukol’Ayaw pakabog ng mga barako ng Kapuso network sa paglalantad ng kanilang mga ka-macho-han sa social media. Heto nga at nagbalandra ng kanilang mga ‘pandesal’ at muscle sina Paul Salas, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin at Jak Roberto.

Puro naka-topless sila na mukhang katatapos lang mag-basketball. Ipinakita ng apat ang na-accomplish nilang game at ang bonding nilang magkakaibigan sa basketball.

Pero dahil mga gym fit ang mga ito, lumabas na ipinapangalandakan din nila ang kanilang mga katawan, at siyempre ay para patakamin na rin ang mga follower nilang mga babae at beki.

Sa katawan ay walang itulak-kabigin sa kanila, na talaga namang naba-tak nang husto sa pagbubuhat nila ng mga metal weights.

Sabi nga ng mga supporter nila, yummy silang lahat. Ang iba ay nagti-tili na parang kinikiliti sa kanilang mga comment.

Ang mga beki naman ay parang dinadala sa ika-anim na glorya sa pantasyang naiisip nila sa apat. Kasi nga, nakabalandra ang mga bukol ng apat na batang aktor.

May ganitong kuha rin noon ang “Los Bastardos” cast na naka-topless lahat at naka-black jeans. Hindi puwedeng ikumpara ang porma ng physique nina Jake Cuenca, Joshua Colet, Joseph Marco, Marco Gumabao at Albie Casiño sa mga nabanggit na Kapuso actor dahil mas bata ang mga ito kumpara sa mga Kapamilya star.

Gretchen, Claudine magkaaway ulit?

Marami ang nagtatanong kung bakit hindi na nakikitang magkasama sina Gretchen Barretto at Claudine Barretto sa Instagram? Magkaaway na ba ulit ang dalawa?

Anyway, diretsong sinagot ni Gretchen ang tanong kung bakit hindi na sila nakikitang magkasama ni Claudine.

May nagtanong nga na bakit hindi nila masyadong nakikita na magkasama ang dalawa. Sa mga pos-ting ni Gretchen ng kanyang mga video sa IG, hindi nga napagkikita sa mga okasyon o bonding nito with friends si Claudine.

Mabilis namang tumugon si Gretchen at sinabi na madalas pa rin silang magkita ni Claudine, at hindi nga lang sila nagpu-post pa ng kanilang mga video together.

Nadine Samonte nagbebenta ng longganisa

Sa halip na bumalik sa showbiz at mag-artista, mas gusto pa ni Nadine Samonte na magbenta ng longganisa online. Sa photo ng mga longganisang pinoste ni Nadine sa kanyang Instagram, natutuwa ito dahil mabilis na nauubos ang kanyang mga longganisa, na ipinapadala niya sa mga client sa pamamagitan ng food delivery services.

Sabi ni Nadine, sari-ling recipe ng kanyang ina ang longganisa, kaya ginagarantiyahan niyang masarap ito.

Medyo matagal-tagal na ang pamamahinga ni Nadine sa showbiz mula sa pagbubuntis niya sa unang baby hanggang sa ikalawa. Mababasa sa mga comment ng kanyang mga supporter ang tanong ng mga ito kung kailan ito babalik sa acting o hindi na.

Maliit pa raw ang bunso ni Nadine at kailangan niyang alagaan ito. Kaya nga habang nag-aalaga si Nadine ng kanyang dalawang anak, gumagawa at nagbebenta ito ng longganisa.

Hindi naman isinasara ni Nadine ang pintuan ng showbiz sa kanya, pero wala pang balak ang aktres na balikan ang pag-arte sa mga susunod na buwan at taon.

The post Derrick, Jak, Paul, Kristoffer nagpalakihan ng ‘bukol’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *