Derek palaban sa landian kay Andrea

Daring, risky and challenging ang unang soap ni Derek Ramsay ngayong opisyal na siyang Kapuso artist. Una niyang makakalampungan si Andrea Torres sa series na “The Better Wo­man.”

The post Derek palaban sa landian kay Andrea appeared first on Abante News Online.

derek palaban sa landian kay andrea - Derek palaban sa landian kay Andrea
derek 2 - Derek palaban sa landian kay Andrea

abante i know better jun nardo 336x224 - Derek palaban sa landian kay AndreaDaring, risky and challenging ang unang soap ni Derek Ramsay ngayong opisyal na siyang Kapuso artist. Una niyang makakalampungan si Andrea Torres sa series na “The Better Wo­man.”

“It’s very sexy but daring in the sense na the situations that my character will experience is siguro, ‘yun na ang highest sa man’s point of view kung magkamali ka sa isang relationship.

“‘Yun ang mindset ko ‘pag nangyari ito sa akin nu’ng mabasa ko ang script. How would I handle this?

“So na-excite ako. It’s so hard na ilagay ko ang character na ‘yon. Hindi ko ma-explain. It’s so messed off. It’s so twisted!” pahayag ni Derek.

Malaki ang kinalaman ng parents ng hunk actor para muling balikan ang pag-arte sa TV. Kaya ipinagpaliban niya ang ambisyong maging international golfer.

Matapos ang contract signing at presscon, lumibot sa buong GMA-7 building si Derek upang makita nang personal ng mga empleyado, na nataranta nang bumulaga sa kanila ang aktor.

Gary V sayaw to death nang maka-recover sa cancer

Nagpasiklab si Gary Valenciano sa harap ng entertainment press nang tumodo siya sa paghataw na para bang hindi siya sumailalim sa sunod-sunod na operasyon at nakaranas ng depresyon, huh!

Sasabak muli si Gary sa isang US Tour, ang “He’s Back: Gary V US Tour” simula ngayong April 12, kasama sina Katrina Velarde at Jona.

“Alive and kicking and dancing and singing and very excited to go on tour again!” bulalas ni Gary na para bang hindi dumaan sa open heart surgery at kidney cancer habang may diabetes.

Aminado siyang dumaan sa post traumatic depression.

“Yes but I’m okay now,” saad ni Mr. Pure Energy.

Hindi naman daw ipinagbabawal sa kanya ng doctor pati na ang todong pagsasayaw.

“No more. Sabi ng doctor ko, ‘Don’t push yourself habang guma­ling ako. Now na gumaling na ako, gusto nila, ‘Sige push mo pa sarili mo.’ My doctor wants my heart to pump the way it used to before surgeries. So I’m pushing myself more now,” rason ni Gary.

Anyway, binigyan ni Gary ng bagong areglo ang hit songs niya at maririnig ang komposisyon niyang nakapaloob sa “Awit at Laro” album.

After ng first leg ng kanyang US Tour sa Las Vegas, heto pa ang schedule ng tour sa ibang cities sa Amerika: April 14 – The Town Hall, New York City; April 20 – Pittsburgh, California; April 21 – Saban Theater, Los Angeles; April 26 – Seattle; at April 28 sa Morongo Casino Resort and Spa.

The post Derek palaban sa landian kay Andrea appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *