Derek nakipagtarayan sa mga basher dahil kay Andrea

Golfing buddy na ni Derek Ramsay si Andrea Torres. Ito ang caption niya sa Instagram picture nilang dalawa.

derek nakipagtarayan sa mga basher dahil kay andrea - Derek nakipagtarayan sa mga basher dahil kay Andrea
derek x andrea - Derek nakipagtarayan sa mga basher dahil kay Andrea

Jun Nardo I Know Better 12 336x224 - Derek nakipagtarayan sa mga basher dahil kay AndreaGolfing buddy na ni Derek Ramsay si Andrea Torres. Ito ang caption niya sa Instagram picture nilang dalawa.

Bagay na bagay, ang halos komento ng mga follower ni Derek sa kanila ni Andrea pero may mga netizen din na umalma.

“Hahaha nakuuuu ibang babae nanaman…Di naman tatagal yan…Waaaah hahahaha.” – @monjoy2426.

Tugon ni Derek sa komento: “monjoy2426 God bless you.”

“Karma will always make it way back around.” – @sannaturephotoyogadm.

“Good karma. Stop being so negative and life will be good,” sagot ni Derek.

Sa totoo lang, nahawa si Andrea sa pagiging athletic ni Derek. Isinama siya noon sa China sa isang Frisbee completion niya at nanonood din siya ng basketball game ng hunk actor sa MPBL. This time, natuto naman siya ng golf.

Kapansin-pansin lang na sa tuwing may basher si Andrea, to the rescue agad si Derek, huh!

Malaking tulong ang pagsasasama nila sa teleserye upang mabuo at tumibay ang kanilang relasyon na hindi na kailangang kumpirmahin pa.

Dalawang Kim salpukan sa takilya

Salpukan sa takilya bukas (Miyerkoles), ang dalawang local comedy films, ang “Lala En Kiko” ni Super Tekla at ang “Jowable” nina Kim Molina at Jerald Napoles.

All out comedy ang pelikula ni Super Tekla habang sexy comedy naman ang kina Kim at Jerald.

Pero may Kim Domingo rin ang movie ni Tekla na kahit nagpahinga sa pagpapaseksi eh, lutang pa rin ang alindog, huh!

After Pista ng Pelikulang Pilipino na Friday ang opening day sa mga sinehan, balik-Miyerkoles ang day of showing ng mga pelikula. Suportahan natin ang dalawang pelikula.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *