Derek nagwala nang akusahang ‘tinikman’ agad si Andrea

Diretsahang hinamon ni Derek Ramsay ang Instagram follower niya na nag-akusa sa kanya na sini-sexualize niya ang kanyang mga leading lady. Nag-react si Derek sa paninirya sa kanya ng netizen sa posting niya ng larawan na kuha sa Dubai kasama si Andrea Torres.

derek nagwala nang akusahang tinikman agad si andrea - Derek nagwala nang akusahang ‘tinikman’ agad si Andrea
derek 4 - Derek nagwala nang akusahang ‘tinikman’ agad si Andrea

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 17 336x224 - Derek nagwala nang akusahang ‘tinikman’ agad si AndreaDiretsahang hinamon ni Derek Ramsay ang Instagram follower niya na nag-akusa sa kanya na sini-sexualize niya ang kanyang mga leading lady. Nag-react si Derek sa paninirya sa kanya ng netizen sa posting niya ng larawan na kuha sa Dubai kasama si Andrea Torres.

Naka-selfie shot si Derek habang nakadila, at ganu’n din si Andrea, na ang caption ay iniinggit si Juliet dahil hindi ito kasama sa trip nila. Si Juliet ang character name ng leading niya sa “The Better Woman”, at real life girlfriend na si Andrea.

Dito nga ay inakusahan si Derek na kesyo ‘ginalaw’ raw lahat ng aktor ang mga leading lady nito. Inihalintulad pa ng netizen si Derek kay Gerald Anderson.

@reyyiu, “Same feathers with @andersongeraldjr Ung chuchakin lahat ng makatrabaho.”

Ang “chuchakin” ay isang gay term sa normal na salitang “sexual relationship” o “sexual encounter” o tinitikman. Umalma si Derek at hinamon nito ang basher na magbanggit ng pangalan ng mga leading lady niya na naging karelasyon niya.

Sina Bea Alonzo, Anne Curtis, Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, Solenn Heussaff ay naging leading lady ni Derek sa pelikula. Exceptional si Solenn dahil nu’ng magkaroon sila ng relasyon ay wala pa sa showbiz ang una.

US tour ni KZ Tandingan kanselado

Nabulabog ang mga fan ng “ASAP” mainstay singer na si KZ Tandingan nang malamang kanselado ang tatlong show nito sa Amerika. Naka-post sa Instagram ni KZ ang official statement ng Cornerstone Entertainment, ang business management office na humahawak sa mga negotiation ni KZ.

Base sa statement, bigo ang promoter ng show na tumugon sa obligasyon at protocol na hinihingi kaugnay sa show tour na ito, kaya hindi na matutuloy ang pagtatanghal ng nasabing singer.

Ang mga lugar na nasagasaan sa cancelled show ni KC ay sa San Jose nu’ng Sept. 27, Houston Texas ngayong Sept. 28 at Stockton sa Sept. 29.

Mababasa sa comment section ng post ang panghihinayang ng marami dahil nakabili na sila ng ticket at matagal na nilang pinaghandaan ang dapat sana ay pagpanood sa concert ng singer.

Marami rin ang nag-comfort kay KZ na huwag itong maapektuhan. Siguradong may mga susunod pa siyang show project abroad.

Alma Concepcion tinanghal na Ms. Grand Universe

After 25 years ay nakasungkit si Alma Concepcion ng korona, at muling pinatunayan na puwede pa siyang maging isang beauty queen. Wagi nga si Alma ng korona sa Ms. and Mrs. Grand Universe pageant kamakailan na ginawa rito sa Pilipinas.

Naka-post sa Instagram ng beauty queen-actress-interior designer ang larawan niya suot ang sash at korona. Ikatlo na ito sa mga beauty pageant title list ni Alma. Ang una ay noong 1992 nang manalo siyang Miss Hawaiian Tropic at Bb. Pilipinas-International noong 1994. Nakuha rin niya sa Miss International ang special award na Miss Congeniality.

Sa edad na 45, pinatunayan ni Alma na hindi isyu o balakid ang edad para maging isang reyna ng kagandahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *