Derek minura, tinawag na bakla ng mga boylet

Kung ako si Derek Ramsay, mapipikon na ako, at makikipagmurahan din. Nakakaloka kasi, na sobra-sobra na ang ginagawang panlalait, pambabatikos ng iba, na may kasama pang pagmumura, ng ibang fan sa aktor.

The post Derek minura, tinawag na bakla ng mga boylet first appeared on Abante.

derek minura tinawag na bakla ng mga boylet - Derek minura, tinawag na bakla ng mga boylet
Derek RAmssay - Derek minura, tinawag na bakla ng mga boylet

Kung ako si Derek Ramsay, mapipikon na ako, at makikipagmurahan din. Nakakaloka kasi, na sobra-sobra na ang ginagawang panlalait, pambabatikos ng iba, na may kasama pang pagmumura, ng ibang fan sa aktor.

Ang iba, direktang sinasabi na bakla si Derek, na ikinukumpara pa siya kay Rustom Padilla, na nagsimula bilang macho, at girl na girl na ngayon.

“Ganyan nagsimula si Rustom tapos naging mas maganda na sya kaya natuluyan hahahaha,” sabi ni Buboy Borja.

“Unfollow na lang please,” pakiusap ni Derek kay Buboy.

Eh, may isa pang humirit, si Shander dela Cruz, at nagsabi na, “Magbakla ka na lang! Tang@#$% mo!”

“Happy new year bud,” sagot lang ni Derek.

Pero, humirit uli ang netizen at nagsabi pa na, “Pakshet ka, galit ako sayo, iniwan mo si Andrea!”

“Ok bro,” sagot lang ni Derek.

Oh, di ba? Kung titingnan mo, sobrang offensive na talaga, na pati nanay ni Derek, dinadamay na. (Dondon Sermino)

The post Derek minura, tinawag na bakla ng mga boylet first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *