Derek, Jessy nahuling magkasama sa ‘Dilim’

Habang parami nang parami ang nanonood ng iWant originals, mas dumarami rin ang mapagpipiliang panoorin sa naturang strea­ming service matapos nitong ipakita ang mga bago at star-studded na original movies, series, at documentaries sa #ForeverKapamilya trade event ng ABS-CBN na ginanap kamakailan.

derek jessy nahuling magkasama sa dilim - Derek, Jessy nahuling magkasama sa ‘Dilim’
ABANTE derek jessy - Derek, Jessy nahuling magkasama sa ‘Dilim’

Habang parami nang parami ang nanonood ng iWant originals, mas dumarami rin ang mapagpipiliang panoorin sa naturang strea­ming service matapos nitong ipakita ang mga bago at star-studded na original movies, series, at documentaries sa #ForeverKapamilya trade event ng ABS-CBN na ginanap kamakailan.

Rumampa sa entablado ang cast ng comedy series na “Call Me Tita” na kinabibilangan nina Agot Isidro, Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, Joanna Ampil, at Mylene Dizon sa kanilang performance ng “Dancing Queen” ng ABBA. Ipapalabas ang serye nga­yong Agosto at itatampok ang kuwento ng limang magkakaibang “tita”, na nagha­hanap ng kilig at mga bagay na kasasabikan sa buhay.

Magbabalik ba si Derek Ramsay sa ABS-CBN? Heto nga kasi at magkasama pala sila sa unang pagkakataon ni Jessy Mendiola sa action-drama film na “Mga Mata sa Dilim.” Kunsabagay, kahit si Eugene Domingo naman na may show sa GMA ay nakagawa rin ng ‘digital movie’ sa iWant.

Muli namang magsasama ang “Kadenang Ginto” co-stars na sina Beauty Gonzalez at Seth Fedelin sa horror series na “Abandoned” bilang mag-ina. Gaganap si Beauty bilang isang security guard na guguluhin ng mga kaluluwang dadalhin niya sa bahay at guguluhin ang kanyang anak.

Dadagdag din sa palaki nang pala­king koleksyon ng iWant ang family drama na “Kargo” tampok sina Rio Locsin at Markus Paterson, ang “Lovin­g Emily” ni Iza Calzado, ang “Story of My Life” ni Zaijian Jaranilla, at ang “Taiwan That You Love” ni Barbie Imperial.

Bukod sa pagkakaroon ng pinakamalaking kolesyon ng Pinoy mo­vies, shows, at live events, nakapag-release na ang iWant ng 23 original mo­vies at series kada buwan mula nang inilunsad ito noong Nobyembre 2018. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *