Derek, Gerald nangangamoy sapukan

Ano kaya ang mangyayari kung magtapat sa basketball court sina Derek Ramsay at Gerald Anderson? Kaabang-abang, di ba?

derek gerald nangangamoy sapukan - Derek, Gerald nangangamoy sapukan
abante Derek - Derek, Gerald nangangamoy sapukan

Ano kaya ang mangyayari kung magtapat sa basketball court sina Derek Ramsay at Gerald Anderson? Kaabang-abang, di ba?

Anyway, hayagan na nga kasing nagbigay ng suporta si Derek kay Bea Alonzo, na sabi nga ay na-‘ghosting’ ni Gerald.

Nag-post nga si Derek ng photo na mahigpit ang yakap niya kay Bea.
“One of the strongest, smartest and talented women I know. You are amazing @beaalonzoKeep smiling!!!!!!” sabi ni Derek.

Marami nga ang natuwa sa photo na ‘yon. Pero, hindi pa rin talaga maiiwasan ang mga bastos, papansin sa social media. Tulad na lang nitong si christton.jpg, nag-comment na: “Tirahin mo agad pre para maka-move on na sya.”

Oh, di ba? Sino ba naman ang hindi mapipikon kung ganiyan ang mababasa mo.
“@christton.jpg wag ka bastos!!!” reaksiyon ni Derek.

Anyway, ang mga netizen na ang rumesbak kay Christton, at umabot nga sa mahigit 100 ang mga nagsalita laban sa kanya.

gshaira “@christton.jpg bastos ng bunganga mo. Siguro naman may nanay at kapatid kang babae. Kung wala man siguro naman khit papano may respeto kang alam? Or bobo ka lang talaga? Hays.”

mayangpancho “tunay na magkaibigan si derek at bea kaya wag kang bastos. Don ka kay Gerald “budoy” pareho kayo walang modo at bastos!”

kimbless27 “tarantado kang bastos ka..wla kang respeto sa kapwa mo gago ka..bakit kaya may mga taong tulad mu ang nabubuhay pa sa mundong ito..dapat sau mamatay kana may mga magulang kapa ba o anu. Demonyo.”

At siyempre pa rin, marami ang nagsasabi na idaan na lang sa sapukan, suntukan ang drama nina Derek at Gerald. Kung talaga raw love ni Derek si Bea, hamunin nito si Gerald. Ganun lang ba ‘yon? Ang dami ngang sumusulsol.

May mga nagsasalita naman in behalf of Gerald, na kesyo nakakalalake naman si Derek sa pag-eksena nito. Wala raw itong pinagkaiba kay Paulo Avelino, na sumawsaw rin daw sa isyu ni Bea.

Kaloka, di ba? Habang tumatagal, lalong dumarami ang nakikisali. At habang tumatagal, mas marami ang naaliw. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *