Derek certified Kapuso na!

Finally, pumirma na si Derek Ramsay sa GMA-7 nitong Miyerkoles ng hapon. Mainit siyang tinanggap ng Kapuso network kasama ang staff ng Entertainment TV sa pangunguna ng SVP For Entertainment na si Ms. Lilybeth Gomez-Rasonable.

The post Derek certified Kapuso na! appeared first on Abante News Online.

derek certified kapuso na - Derek certified Kapuso na!
derek ramsay - Derek certified Kapuso na!

abante talbog joe barrameda 336x224 - Derek certified Kapuso na!Finally, pumirma na si Derek Ramsay sa GMA-7 nitong Miyerkoles ng hapon. Mainit siyang tinanggap ng Kapuso network kasama ang staff ng Entertainment TV sa pangunguna ng SVP For Entertainment na si Ms. Lilybeth Gomez-Rasonable.

Agad ngang mag-uumpisa na mag-taping si Derek ng isang teleserye opposite Andrea Torres. Ito bale ang unang proyekto ni Derek for the Kapuso network.

Well, goodluck kay Derek sa GMA-7. Sigurado ako subsob agad siya sa trabaho. At siyempre, dapat ay bongga agad ang mga project niya, ha!

Puro papansin: Mga artista pakalat-kalat sa mga mall

Noong araw ay tagong-tago ang mga artista na unlike ngayon na madalas mo silang makitang pakalat-kalat sa mga mall at very active sa social media, huh. Kanya-kanya silang paandar para mapansin at mapag-usapan.

Noon, kapag nag-asawa ka na, tapos na ang career mo. Iilan lang talaga ang nakapagpatuloy ng kanilang propesyon kahit may asawa na.

Pero iba na ngayon at kahit nag-asawa na ang isang artista ay puwede pa ring magpatuloy sa kanilang career, basta magaling kang artista at walang bahid ang karakter.

Gaya ni Max Collins na isang taon na yata mula nang magpakasal kay Pancho Magno. Tuloy pa rin siya at sa katunayan, bida siya sa afternoon serye ng GMA-7 na “Bihag.” Hindi naman siya mapili sa pro­ject at maayos niyang ginawa ang trabaho niya. Kaya naman heto, bida siya ulit.

Walang pahinga: Alden kayod kalabaw pa rin

Mula nang bumalik si Alden Richards from the EB trip sa Holy Land ay sumabak na agad ito sa trabaho. Hindi ininda ni Alden ang jetlag at diretso siya sa taping ng Holy Week presentation ng TAPE at APT.

Hindi kasi kailangang ipagpa­liban at nalalapit na ang Holy Week. Tapos, SPS pa na live every Sunday, shoot ng mga bagong endorsements at renewals. Bukod diyan, busy siya sa mga negosyo at excited sa pagbubukas ng branch niya ng McDonalds sa Biñan, Laguna sa April 26.

Kaya wala nang panahong magpahinga ang Pambansang Bae at walang oras sa mga basher. Dedma kayong lahat sa kanya.

Naghahanda na rin siya sa shooting ng movie nila ni Kathryn Bernardo for Star Cinema na sa Hong Kong kukunan for over a month. Kaya babalik lang si Alden sa ‘Pinas for important engagements.

Ganyan ka-busy si Alden at never itong dumaing at nagreklamo. Basta kaya niya, go-go lang siya.

The post Derek certified Kapuso na! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *