Derek, Andrea umaming live in na

Puring-puri ni Derek Ramsay ang girlfriend na si Andrea Torres kung paano raw siya alagaan nito, lalo na ngayong panahon ng COVID-19.

derek andrea umaming live in na - Derek, Andrea umaming live in na
abante derek - Derek, Andrea umaming live in na

Rose Garcia Ansabeh 10 300x157 - Derek, Andrea umaming live in naPuring-puri ni Derek Ramsay ang girlfriend na si Andrea Torres kung paano raw siya alagaan nito, lalo na ngayong panahon ng COVID-19.

Sabi ni Derek, “Got a jackpot, you know.”

Sa Instagram Live ni Derek ay may nagtanong kung live in na sila ni Andrea. At ang totoo, talagang pinatira na ni Derek si Andrea at ang pamilya nito sa bahay niya ngayong naka-quarantine pa rin.

During ECQ, magkahiwalay silang dalawa at nasa kanya-kanyang bahay kasama ang mga magulang. Pero nang ma-lift na ang ecq, nagsama na raw ang pamilya niya at pamilya ni Andrea.

“The first thing I did noong matanggal ang lockdown, pinagsama ko talaga yung dalawang pamilya. Lahat kami sama-sama. Mom & Dad ni Andrea and my parents. Sama-sama kaming lahat sa Tagaytay.

“It wasn’t na tatakbo ako kay Andrea…that’s why you know, this relationship is so real. It’s not just about me and her. We got the families together and we spent it in our home, together, all of us.”

Lahad pa ni Derek, nakikita at nararamdaman daw niya ang genuine relationship din ni Andrea sa parents niya at mga kapatid.

Tuloy, ang mga nabasa naming comments ng netizens kay Derek, “Kasalan na.” “He found the one na… kilig.”

Ipaglaban ang kalayaan — Sunshine

Isa-isa na ngang ginagamit ng mga artista ang kanilang boses at impluwensiya sa pamamagitan sa usapin ng bansa ngayon at gobyerno.

Ang Kapuso actress na si Sunshine Dizon ay naglabas din ng kanyang stand na tinawag niyang “ito ang sona ko” kasabay sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong July 27.

Sa pambungad pa lang na statement ni Sunshine, matagal daw siyang nanahimik dahil sinabi niyang kung wala rin siyang magandang sasabihin, manahimik na lang. Pero mas malaking kasalanan daw ang magbulag-bulagan.

Sabi pa niya, “Marami akong kaibigan na hindi ko na siguro magiging kaibigan pagkatapos nito pero ayos lang kasi ibig sabihin hindi talaga sila kaibigan.”

Isa si Sunshine sa hindi sang-ayon sa ipinatupad na batas na terror bill.

Aniya, “Sumasang ayon ako sa batas na poprotekta sa ating lahat laban sa terorismo pero hindi ako sang-ayon sa batas na hindi malinaw na posibleng ma abuso sa kamay mga taong nakatataas at makapangyarihan na pansariling pakinabang lang ang uunahin.”

Nagtatanong din ito sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 case, “nasaan na ang konkretong plano para sa bayan? Wala pa rin mass testing. Pero nagawang ipasara ang AbsCbn at tanggalan ng hanap buhaty ang higit sa 11,000 na pamilya. Nagawa ang anti terror bill. Paano at ano pa ang mga pwede nilang gawin ngayong ito ay nai sa batas na. Wag na tayong magbulag-bulagan kailangan nating ipaglaban ang ating kalayaan at protektahan ang ating karapatang pantao.”

Bago ini-off ni Sunshine ang comment section ng kanyang post, na una pa lang ay tila expected na niya ang matatanggap na komento mula sa ilan, tulad ng mga DDS, may tila pinagre-react siya tungkol sa statement ng dating Kapuso na si Aljur Abrenica.

Pinuri ng netizen si Sunshine na buti pa raw ito, may “bayag” si Aljur raw, wala. Idol na idol raw ang tatay-in-law na si Robin Padilla.

Nag-reply pa si Sunshine sa netizen na na-screenshot namin at sinagot niyang hindi dapat manghusga ang sino man.

“Wag po tayong manghusga sa mga bagay na hindi tayo sigurado at walang batayan.”

Alden todo iwas sa mga lolo, lola

Ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang kinuhang ambassador ng DOH (Department of Health) communication campaign laban sa COVID-19 na ang tawag ay BIDA Solusyon.

At dahil isa si Alden sa mga Kapuso star na nag-resume na ng trabaho at araw-araw na napapanood ng live sa Eat Bulaga, alam nito na at risk siya na mahawa o maging carrier ng virus.

Ito ay sa kabila ng sobrang pag-iingat daw nila sa Eat Bulaga with all the safety measures and protocols. Pero simula raw nang mag-start sila ng live, mas naging maingat pa siya para sa pamilya niya.

Noong ecq, sa bahay nila sa Laguna na-lockdown si Alden. Pero ngayon, every two weeks na raw kung umuwi siya sa Laguna. Kinu-quarantine niya muna raw ang sarili dahil takot siya na mahawahan ang Lolo at Lola niya na nakatira sa bahay nila sa Laguna.

Aware si Alden sa mga asymptomatic at sey nga niya, “Ayoko rin mag-risk na carrier pala ako. Although maganda ‘yung immune system ko, dala ko ‘yung virus and then naipasa ko siya roon sa mga mababa ang immune system, especially sa kasama kong Lolo and Lola rito sa bahay. I don’t want to risk that.”

Sa totoo lang, sa mga tulad ni Alden na responsable, masasabing kung meron din naiturong maganda ang pandemic, ito ay ang mas pahalagahan hindi lang ang sarili, mas ang kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *