Dennis ‘kinain’ ang sariling ama

Nakakaloka naman ang role ni Dennis Trillo sa “Magpakailanman” na mapapanood ngayong Sabado. Muli ngang ipapamalas ng Kapuso Drama King ang husay niya sa pag-arte sa programang ito na hinu-host ni Mel Tiangco.

The post Dennis ‘kinain’ ang sariling ama appeared first on Abante News Online.

dennis kinain ang sariling ama - Dennis ‘kinain’ ang sariling ama
ABANTE dennis trillo - Dennis ‘kinain’ ang sariling ama

Nakakaloka naman ang role ni Dennis Trillo sa “Magpakailanman” na mapapanood ngayong Sabado. Muli ngang ipapamalas ng Kapuso Drama King ang husay niya sa pag-arte sa programang ito na hinu-host ni Mel Tiangco.

“Ito na rin ang pinaka­mabigat na kuwentong aking nagampanan sa buong career ko bilang artista,” sabi ni Dennis.

Sa episode na pinamagatang “Patawad Ama Ko”, bibigyang-buhay ni Dennis ang karakter ni Samuel, isang kriminal na pinatay, niluto, at kinain ang kanyang sariling ama dahil sa isang mental na kalagayang hindi niya alam kung paano matatakasan.

Oh, ‘di ba? Isipin mo pa lang, nakakaloka na, ha! Na kahit sabihin mong kuwento lang ito, pero ‘yung ma­tinding akting na dapat ibigay ni Dennis, alam mong super intense at hirap talaga.

Kunsabagay, sa husay ni Dennis, kayang-kaya niya ‘yan. Remember, siya ang Kapuso Drama King.

Anyway, makakasama rin niya sa episode ang powerhouse cast na sina Allan Paule, Sheila Marie Rodriguez, Chinggay Riego, Ana de Leon, Bruce Roeland, Seth dela Cruz, at Orlando Sol. ‘Wag palalampasin ang “Magpakailanman”, ngayon (July 20) sa GMA-7. (Dondon Sermino)

The post Dennis ‘kinain’ ang sariling ama appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *