Dennis hindi igu-ghosting si Jennylyn

Dahil nauuso ngayon ang salitang “ghosting”, hindi nakaligtas ang bida ng pelikulang “Mina-anud” na si Dennis Trillo na matanong tungkol dito.

dennis hindi igu ghosting si jennylyn - Dennis hindi igu-ghosting si Jennylyn
ABANTE dennis trillo - Dennis hindi igu-ghosting si Jennylyn

Dahil nauuso ngayon ang salitang “ghosting”, hindi nakaligtas ang bida ng pelikulang “Mina-anud” na si Dennis Trillo na matanong tungkol dito.

Parang ‘di ito masyadong updated tungkol sa ghosting at kung bakit ito na-form.

“Hindi po,” sabi niya.
Silang dalawa raw ng girlfriend na si Jennylyn Mercado ay masaya lang ngayon.

Kahit sa mga nakaraan daw niyang relasyon, hindi raw siya nang-ghosting at na-ghosting.

Sabi pa ni Dennis, “Ano po e, hindi ako sanay na maging perwisyo sa isang tao. Ayokong magbigay ng problema.”

Ipalalabas naman na sa re­gular theaters ang “Mina-anud” simula sa August 21, pero sa August 10 ay magiging closing film ito sa Cinemalaya 2019.

Isa raw ito sa mga pelikulang hinihintay niyang dumating.

“Ayokong sayangin ang mga pagkakataon na ma-kagawa ng mga quality na pelikula,” sey niya.

Bilib din si Dennis sa direktor nila na si Kerwin Go.

“Unang-una, matapang siya pero kahit bigat ng tema niya, ang light lang ng bagsakan.”

Base kasi sa tunay na buhay noong 2009 ang “Mina-anud” kunsaan 3 tons of high grade cocaine ang nakitang inanod sa dalampasigan ng Eastern Samar.

Co-produced ito ng Regal Films at Bianca Balbuena-Liew at nanalo sa Singapore’s Southeast Asia Film Financing Forum noong 2017. (Rose Garcia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *