Denise pa-cute kay Coco,Yassi selos to death

Nagsama na ang hari at reyna ng teleserye! Opisyal na ngang sumabak si Judy Ann Santos sa “Ang Probinsyano” noong Miyerkoles (July 31).

denise pa cute kay cocoyassi selos to death - Denise pa-cute kay Coco,Yassi selos to death
Abante tnt yassi 1 - Denise pa-cute kay Coco,Yassi selos to death

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Denise pa-cute kay Coco,Yassi selos to deathNagsama na ang hari at reyna ng teleserye! Opisyal na ngang sumabak si Judy Ann Santos sa “Ang Probinsyano” noong Miyerkoles (July 31).

 

 

Misteryoso ang karakter ni Juday na si Jane kasi medyo pa-sexy ang bihis niya at nang maabutan siya ni Cardo (Coco Martin), eh hinahabol siya ng isang foreigner na may kutsilyo.

 

 

Sa teaser rin ng palabas, sabi ni Jane na hinablot lang daw siya ng foreigner at paggising niya nasa isang kuwarto na siya. Dahil sa statement niya, inimbitahan siya ni Cardo na sumama sa Camp Crame para lalong maimbestigahan ang kaso niya.

 

 

Naku ha, hindi natin alam kung kakampi ba si Juday o kalaban. Alam nating ang “Ang Probinsyano”, maraming twist so dapat talagang abangan.

Pero itong si Cardo ha, kilabot talaga ng chicks dahil may pa-cute portion sila ni Alessandra (Dennis Laurel) na kapwa pulis niya. Kaya itong si Al-yana (Yassi Pressman), mega worry sa mga ginagawa ng asawa.

 

Hay naku Cardo ha, dapat behave ka na lang at mag-focus sa mga misyon mo!

 

 

Nanay ni Zephanie nangutang ng gatas

 

Malungkot pala ang kuwento nitong si Zephanie Dimaranan. Kinuwento ng nanay ng kauna-unahang “Idol Philippines” sa “Magandang Buhay” na umabot siya sa pangungutang ng gatas sa isang botika para mapakain ang “Idol PH” winner noong anim na buwan pa lang ito.

 

Pagbabahagi ni Richelle, nanay ni Zephanie, hindi naman kalakihan ang nakukuha nilang mag-asawa bilang church w­orkers kaya naman may panahon t­alagang napuputulan sila ng kuryente at ibinebenta pa ang gamit sa bahay para mapangtustos nila sa araw-araw nilang pangangailangan.

 

Kaya naman labis ang tuwa nila nu’ng sa wakas nga ay magbunga ang kanilang pagsasakripisyo sa anak nang maging grand winner ito ng “Idol Phili-ppines”.

 

Hindi sila nawalan ng pag-asa kahit pa nabigo si Zephanie sa “Tawag ng Tanghalan” at “The Voice Kids”.

 

Ngayon nga unti-unti nang magbabago ang kanilang buhay at hindi na nila kailangang ma-ngutang sa pagkapanalo ng anak. Sa katunayan, ibabahagi pa nila ang cash prize na natanggap ni Zephanie sa pinagsisilbihan nilang simbahan.

Isang kahanga-hangang kuwento ang nangyari sa 16-years old young diva na puwedeng maging isang inspirasyon sa mga batang nangangarap sa buhay.

 

Nagwakas man ang “Idol Philippines”, hindi naman dito natitigil ang pagtulong ng Dos sa pag-abot ng pangarap ng mga Kapamilya dahil sa weekend ay magsisimula na ang panibagong season ng “The Voice Kids”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *