Denise Laurel kaawa-awa ang sinapit sa ‘Ang Probinsyano’

Nag-iyakan nga ang mga fan sa social media nang magwakas ang buhay ni Major Romero na ginagampanan ni Denise Laurel sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” nitong Martes.

denise laurel kaawa awa ang sinapit sa ang probinsyano - Denise Laurel kaawa-awa ang sinapit sa ‘Ang Probinsyano’
denise 1 - Denise Laurel kaawa-awa ang sinapit sa ‘Ang Probinsyano’

“Justice for Major Romero!”

Nag-iyakan nga ang mga fan sa social media nang magwakas ang buhay ni Major Romero na ginagampanan ni Denise Laurel sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” nitong Martes.

Bumuhos ang emosyon ng mga fan nang makitang walang kalaban-laban na pinagbabaril ni Bungo (Baron Geisler) si Major Romero habang nakalambitin nang mahigpit sa isang tela sa loob ng isang abandonadong gusali kung saan naganap ang madugong engkuwentro nito laban sa kapulisan.

Hindi maitatanggi ang labis na pagkalungkot ng mga “Probinsyano” fan sa pagkamatay ni Major Romero dahil sunod-sunod ang mga post ng mga netizen kaugnay sa pagkamatay ng karakter ni Denise.

Lalo nga ang isa sa mga alaga nito na bahagi ng “Angels Task Force” na si Franki Russel na nagbahagi ng IG story tungkol sa death scene with caption na “We will miss you Major Romero.”

Agad namang nag-reply si Denise at sinabing “love you my baby girls!!!Don’t worry I’ll be a guardian angel.”

Sa pagtatapos nga ng buhay ni Major Romero, nalagasan ng isang maganda ang Team Probinsyano na madalas dagdag-dahilan para panuorin ang naturang teleserye.

Sino naman kaya ang papalit o susunod na idadagdag na chicks sa “Ang Probinsyano”? (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *