Dedma sa safety protocol: Jennylyn-Dennis maalab ang laplapan

Kagabi ang unang araw ng ikatlo at huling mini-serye ng I Can See You na pinagbibidahan ng real-life sweethearts na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

The post Dedma sa safety protocol: Jennylyn-Dennis maalab ang laplapan first appeared on Abante.

dedma sa safety protocol jennylyn dennis maalab ang laplapan - Dedma sa safety protocol: Jennylyn-Dennis maalab ang laplapan
JenDen - Dedma sa safety protocol: Jennylyn-Dennis maalab ang laplapan

Kagabi ang unang araw ng ikatlo at huling mini-serye ng I Can See You na pinagbibidahan ng real-life sweethearts na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Title pa lang, intense na with “Truly, Madly, Deadly.” At nakikita rin sa trailer ang passionate kissing scene ng JenDen.

Sa panahon ngayon na may COVID-19, iwas ang production sa mga intimate scenes. Kung meron man, dinadaya na lang talaga.

Pero not with this episode of I Can See You dahil walang daya at kissing scene kung kissing scene talaga sila.

Isa sa advantage nga pala kung sa totoong buhay ay magdyowa rin ang gaganap.

“Masuwerte kami lalo na may mga ganung klase ng eksena na kailangan naming i-shoot. Na hindi na namin kailangang itanong o i-consent yung partner namin para sa ganung intimate scene, ‘di ba?” sey ni Dennis.

Sabi pa niya, “So, tingin ko, suwerte rin yun para sa production kasi, wala siyang masyadong dadayaing eksena. Mas magmumukhang totoo yung mga eksena, mas magiging engaging.”

Sabi naman ni Jennylyn, “Kahit ganun kasi ang eksena, kahit sinasabi namin na oo, taping lang siya, trabaho lang siya, meron pa rin ilang, meron pa rin hiya.

“Lalo na kapag hindi mo masyadong nakakasama yung katrabaho mo. Sa amin kasi, hindi na masyadong nagkakailangan.

“Hindi na niya ko tatangungin na, okay ka lang ba pagkatapos. Mas kumportable na gawin namin yung mga eksena kung ano man yung mga eksena.” (Rose Garcia)

The post Dedma sa safety protocol: Jennylyn-Dennis maalab ang laplapan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *