Dedma raw sa mahihirap: Engrandeng honeymoon ng AshMatt binatikos

Kaloka talaga ang sitwasyon ngayon. Lahat ng gagawin mo, bibira at bibirahin ka talaga.

dedma raw sa mahihirap engrandeng honeymoon ng ashmatt binatikos - Dedma raw sa mahihirap: Engrandeng honeymoon ng AshMatt binatikos
abante ashmatt 1 - Dedma raw sa mahihirap: Engrandeng honeymoon ng AshMatt binatikos

Kaloka talaga ang sitwasyon ngayon. Lahat ng gagawin mo, bibira at bibirahin ka talaga.

Dahil lang sa honeymoon ng newly wed celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Gudicelli, kung saan-saan na umabot ang kuwento.

Dahil nga sa mga litrato ng dalawa ni ipinost ng anak ni Vicki Belo na si Scarlet, na sa totoo lang ay pagkatamis-tamis ng ngiti at halikan ng mag-asawa, hindi pa rin sila nakaligtas sa pamumuna ng mga netizen.

Insensitive raw kasi ang ginawa ng mag-asawa, na sa sitwasyon na hinaharap ngayon ng bansa, na marami ang naghihirap.

Ikinumpara ng ibang netizen ang sitwasyon ng mga Pilipinong stranded sa Rizal Memorial Stadium na sabik umuwi sa kani-kanilang probinsya, habang sina Sarah at Mattero raw ay pa-honeymoon-honeymoon lang at may leisure travel getaway.

“People cannot travel back home while privileged artists can have their leisure travels,” sabi pa nila.

Halo-halo nga ang naging reaksyon na umabot sa libu-libong like at retweet. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *