Dayanara naghubo dahil sa ‘sakit’

Naghubo’t hubad si Dayanara Torres para sa isang campaign awareness ng isang institute o research na nagpagaling sa kanyang karamdaman.

The post Dayanara naghubo dahil sa ‘sakit’ first appeared on Abante.

dayanara naghubo dahil sa sakit - Dayanara naghubo dahil sa ‘sakit’
Dayanara Torres - Dayanara naghubo dahil sa ‘sakit’

Naghubo’t hubad si Dayanara Torres para sa isang campaign awareness ng isang institute o research na nagpagaling sa kanyang karamdaman.

“GETNAKED it saved my life,” ang ad campaign na title na tumatakip ng bahagya sa hubad na katawan ni Dayanara sa pinoste niya sa Instagram.

Ang paghuhubad ng dating Miss Universe at aktres sa bansa bago ito nanirahan sa Amerika ay para sa Melanoma Research Foundation na pinalalaganap ang awareness sa sakit na melanoma.

Nasa caption ni Dayanara ang rason ng paghuhubad niya para ipaalam sa lahat na isa siyang survivor sa stage 3 metastaic melanoma.

Ipinaalam ni Dayanara na ang pagtutok sa treatment ng ganitong uri ng sakit sa balat ay maaagapan at gumagaling.

Dalawa ang nude photo na pinoste ni Dayanara sa magkahiwalay na post, at ilan lang ito sa iba pa nyang larawan na makikita sa website ng MRF. (Rey Pumaloy)

The post Dayanara naghubo dahil sa ‘sakit’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *