Dawn type ang fez ni Kakai

Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang komedyanteng si Kakai Bautista na best friends na sila ng aktres na si Dawn Zulueta. Magkasama ang dalawa sa pelikulang “Family History” ng MICTest Entertainment at GMA Pictures.

The post Dawn type ang fez ni Kakai appeared first on Abante News Online.

dawn type ang fez ni kakai - Dawn type ang fez ni Kakai
ABANTE dawn 1 - Dawn type ang fez ni Kakai

Ni: Ruel Mendoza

Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang komedyanteng si Kakai Bautista na best friends na sila ng aktres na si Dawn Zulueta. Magkasama ang dalawa sa pelikulang “Family History” ng MICTest Entertainment at GMA Pictures.

Sa movie ay mag-BFF sina Dawn at Kakai. Sey nga ni Kakai, nag-level up na ang roles niya sa mga nagdaang taon.

“Parang ultimate na ito. Jusko po, Dawn Zulueta na ito. Parang nananaginip ako ng gising noong magkaeksena na kami. Sobra akong natutulala sa ganda niya.

“Kahit nga umiyak siya, ang ganda pa rin! Unfair, ‘di ba? Bakit gano’n?! Kapag umiyak ako, nagtatakbuhan ang mga tao! Si Dawn kapag umiyak, tinititigan pa! May audience siya! Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni Kakai.

Masarap daw ka-bonding si Dawn dahil makuwento raw ito at palabiro. Dagdag pa ni Kakai, panay raw ang sabi sa kanya ni Dawn na maganda siya.

“Unang sinabi sa akin ‘yun ni Dawn noong makita niya ako sa monitor. Sabi niya, ‘Kakai, ang ganda mo!’ Tapos ilang beses niyang sinasabi sa akin, hanggang sa naniwala na ako!

“Bakit ba? Si Dawn Zulueta na ang nagsabi no’n sa akin, eh. Huwag mainggit ang mga bashers diyan. Kayo ba sinabihan na kayo na maganda ni Dawn? Hindi pa ‘di ba? Kaya sorry!” tawa pa ulit ni Kakai.

The post Dawn type ang fez ni Kakai appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *