Dawn Chang lumayas na sa GT ng ‘Showtime’

Fierce and sexy sa kanyang panibagong vlog ang dating Girtltrend (GT) member na si Dawn Chang.

dawn chang lumayas na sa gt ng showtime - Dawn Chang lumayas na sa GT ng ‘Showtime’
dawn 2 - Dawn Chang lumayas na sa GT ng ‘Showtime’

Fierce and sexy sa kanyang panibagong vlog ang dating Girtltrend (GT) member na si Dawn Chang.

Yes, dating miyembro na siya ng all-girl group mula sa “It’s Showtime” dahil sa vlog na iyon ay nabanggit niya rin ang pagkalas niya sa naturang grupo.

Sa vlog niya, diretsahan nitong sinagot ang mga brutal na tanong sa kanya ng mga fan sa pamamagitan ng question box sa kanyang Instagram story.

Ilan sa mga tanong sa kanya ay tungkol sa mga sexual na bagay, mayroon ding tungkol sa kanyang personal na buhay.

Pero ang agaw-eksena sa mga fan ay ang huling bahagi kung saan ibinunyag nito ang kanyang pag-alis sa Girltrend.

“I am no longer part of GT. I’ve been dancing for 17 years now and being a performer is a huge, huge responsibility. I am supposed to share my talent and entertain. I am supposed to give an enjoyable and memorable experience to the audienc­e. And I feel that I am able to fulfill those treaties and responsibilities as a perfor­mer when I am with GT… In all fairness, we have to credit to these girls because they are trying their best. But I feel that we are not on the same page,” pahayag ni Dawn.

Gayunpaman, hindi pa rin nakuntento ang isang fan sa napanood sa kanyang vlog. Inintriga pa rin si Dawn sa comment section, tinanong ito kung in-unfollow ba nito ang mga kasama dati sa Girltrend.

“I don’t follow any of them since the very beginning. Not even Hashtags. I don’t follow a lot of Filipino celebrities on instagram. I use the app differently,” sagot naman ni Dawn.

(Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *