Dawn, Bitoy movie masakit sa mata, tiyan

Napakaganda ng feedback ng mga nanood sa premiere night ng “Family History” (na sho-wing na today, Wednesday). Kasi naman, sobrang seryoso ang tema ng pelikula, iiyakan mo talaga, pero ang nakakaloka, sasakit ang tiyan mo sa katatawa.

The post Dawn, Bitoy movie masakit sa mata, tiyan appeared first on Abante News Online.

dawn bitoy movie masakit sa mata tiyan - Dawn, Bitoy movie masakit sa mata, tiyan
ABANTE Daw bitoy - Dawn, Bitoy movie masakit sa mata, tiyan

abante talbog joe barrameda 336x224 - Dawn, Bitoy movie masakit sa mata, tiyanNapakaganda ng feedback ng mga nanood sa premiere night ng “Family History” (na sho-wing na today, Wednesday). Kasi naman, sobrang seryoso ang tema ng pelikula, iiyakan mo talaga, pero ang nakakaloka, sasakit ang tiyan mo sa katatawa.

‘Di ba naman, pinagsasabay mo ang pagtawa at pag-iyak, at ang hirap nu’n, ha!
Pero, possible nga ‘yon with Michael V. around na actor/director sa movie.
Eh, ang ganda-ganda ni Dawn Zulueta na kahit sa mga maseselang eksena, na kailangan niyang pumangit, ay napakaganda pa rin niya at para siyang manikin, ha!
At nabigyan din ng mga magagandang eksena ang ibang artista, at hindi sila ginawang mga palamuti lang, ha!
Anyway, in full force rin ang mga Kapuso star sa premiere night ng “Family History”. Present nga sina Alden Richards, Kyline Alcantara, Thea Tolentino, at marami pang iba.
***
Alden, Isko may pasabog sa mga fan
Ano kaya ang pasabog ni Alden R­ichards after ng showing ng “Hello, Love, Goodbye”? Marami ang nagtatanong kung bakit bumi-sita at nagbigay-galang si Alden kay Manila Mayor Isko Moreno.
Ayon sa nakuha naming information ay tungkol daw ito sa mga upcoming plans, projects ni Alden na hindi pa puwedeng sabihin ngayon. Si Alden talaga, full of surprises.(Joe Barrameda)

==================

Bea, Julia pinagsabay ni Gerald
Ayon sa nakuha namin na chika ay matagal na palang umaali-aligid si Gerald Anderson kay Julia Barretto at isa nga ‘yon sa rason kung bakit nakipag-break siya kay Bea Alonzo.
In other words, nu’ng mga panahon na ‘yon ay mukhang namangka talaga sa dalawang ilog si Gerald, ha!
Imagine, base sa kuwento, habang sila pa ni Bea, niligawan na niya si Julia? Kaloka ito, kung totoo, ha! At maling-mali, kaya ramdam mo talaga ang galit ng mga fan ngayon.
Poor Bea Alonzo, my friend. Pero wala namang mawawala sa kanya. Sa ganda niyang ‘yan ay marami ang magpaparamdam at manliligaw agad sa kanya.
Sana lang ay gamitin ni Bea ang utak niya at hindi puro puso lang. Think of your future.
Samantala, wapakels naman si Julia sa mga intriga. Sa IG ay nag-post siya ng photo niya while in bed at nagsabing excited na siya para sa nalalapit niyang paglipat sa bagong bahay. (Joe ­Barrameda)

The post Dawn, Bitoy movie masakit sa mata, tiyan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *