Dating showbiz couple biktima ng lock-in

Dalawang salita ang gasgas na gasgas ngayong panahon ng pandemya na pinagdadaanan ng buong mundo. Lockdown at lock-in.

The post Dating showbiz couple biktima ng lock-in first appeared on Abante.

dating showbiz couple biktima ng lock in - Dating showbiz couple biktima ng lock-in
tonite showbiz - Dating showbiz couple biktima ng lock-in

Cristy Fermin No Thanks 81 300x200 - Dating showbiz couple biktima ng lock-inDalawang salita ang gasgas na gasgas ngayong panahon ng pandemya na pinagdadaanan ng buong mundo. Lockdown at lock-in.

Bawal lumabas ng bahay, bawal pumasok sa maraming bayan kapag walang travel pass, maraming lugar na naka-lockdown.

Walang pagkakaiba sa mundo ng mga artista, naka-lock-in sila sa isang lugar lang kapag nagtatrabaho sila, wala nang uwian hanggang sa makatapos sila ng taping o shooting.

Dahil sa mga terminong ‘yun ay may naalala ang marami, hindi raw ngayon lang nauso ang salitang lock-in, maraming taon na raw ang nakararaan.

Nabiktima ng walang katotohanang balita ang isang dating showbiz couple, malisyoso ang kuwento, diumano’y hindi na sila magkahiwalay pagkatapos nilang magniig kaya kinailangan silang magsadya sa isang kilalang ospital.

Kuwento ng aming source, “Nakakahiya ang kuwentong kumalat, napakalaking kahihiyan nu’n, samantalang wala namang katotohanan! Ni wala ngang makapagpatunay na nangyari nga sa kanila ang ganu’n!

“Maging ang mga staff ng hospital, e, nagdenay, kasi nga, hindi naman totoong isinugod sa ospital ang mag-boyfriend para gawan ng paraang magkahiwalay sila!” pag-alala ng aming impormante.

Matagal na pinagpistahan ang balitang ‘yun, may mga naniwala kasi, pero mas nakararami ang hindi nanniwala sa kuwento.

“Ano ba naman ‘yun? Napakaraming kaibigang doktor nu’ng sikat na male personality, puwede namang hindi na sila magpaospital, di ba? Pero biniktima talaga sila ng malisyosong kuwento!

“Imagine, pinalabas na nag-lock-in sila, kaya umandar ang utak ng mga malisyoso, talagang naging malaking issue ‘yun! Nakakaawa ang girl, lalo na, dahil hindi naman siya ganu’n kainit sa sex, pero pinalabas silang dalawa ng boyfriend niya na mahilig sa sex.

“Nakakaawa sila, naging biktima sila ng mga taong walang magawa sa buhay,” pagtatapos ng aming impormante.

Alex pababagsakin ng TV executive

Urong-sulong ang balita tungkol sa partisipasyon ni Alex Gonzaga sa bagong bubuksang noontime show ng TV5 sa pamamagitan ng Brightlights Productions na si Direk Johnny Manahan ang mamamahala.

Sa simula pa lang ay kasama na ang pangalan ni Alex Gonzaga sa mga magiging hosts ng pangtanghaling programa, pero biglang nawala ang kanyang pangalan sa listahan, hindi na pala siya kasama.

Pagkatapos nang ilang araw ay lumutang ang balitang kasali na siya, kasama sina Billy Crawford, Bayani Agbayani at iba pa, aling bersiyon kaya ng balita ang totoo?

Matagal na nagtrabaho sa TV5 si Alex, matagal namin siyang nakasama sa talk show na Juicy, nagbida rin siya sa maraming proyekto ng network.

Maraming nagulat nang bigla siyang lumundag sa ABS-CBN, meron daw kasing isang ehekutibo ng network na sadya siyang pababagsakin, kaya naunahan ng takot ang aktres.

“May lihim na galit daw ang TV executive kay Toni nu’n pa, kaya kay Alex bubuwelta ‘yung tao, pinaniwalaan naman agad ng family ni Alex ang kuwento,” pag-alala ng aming source.

Umikot ang gulong ng buhay, ipinasarado ang ABS-CBN, maraming personalidad ng istasyon ang naglipatan na sa TV5.

Sa October 19 na magsisimula ang Lunch Out Loud, maraming nagtatanong kung kasama si Alex sa mga magiging hosts ng show, dahil urong-sulong nga ang balita.

The post Dating showbiz couple biktima ng lock-in first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *