Dasal ni Matteo: Sarah mabuntis next week

Paulit-ulit na binanggit ni Matteo Guidicelli ang salitang “blessing” o ‘biyaya’ sa virtual presscon ng ini-endorso niyang newlywed starter packs at celebrity product packs ng Sunlife, na binuo para sa mga bagong kasal na gaya niya, siyempre, sa misis niyang si Sarah Geronimo.

The post Dasal ni Matteo: Sarah mabuntis next week first appeared on Abante.

dasal ni matteo sarah mabuntis next week - Dasal ni Matteo: Sarah mabuntis next week
mateo sarah g 1 - Dasal ni Matteo: Sarah mabuntis next week

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 300x180 - Dasal ni Matteo: Sarah mabuntis next weekPaulit-ulit na binanggit ni Matteo Guidicelli ang salitang “blessing” o ‘biyaya’ sa virtual presscon ng ini-endorso niyang newlywed starter packs at celebrity product packs ng Sunlife, na binuo para sa mga bagong kasal na gaya niya, siyempre, sa misis niyang si Sarah Geronimo.

Ang blessing na paulit-ulit binanggit ni Matteo ay patungkol nga sa asawa niyang si Sarah at ang kaligayahan niya sa kanilang pagsasama.

Tahasang sinabi ni Matteo na si Sarah ang pinakaimportante sa kanya ngayon.

Nagniningning ang mga mata ni Mateo kasabay ng ngiti sa kanyang labi kapag pinupuri niya ang mga katangian ni Sarah.

Ayon kay Matteo, isa sa pinakamagandang desisyon na nagawa niya sa buhay ay ang pakasalan si Sarah.

Anyway, sa pagtatanim ng mga halaman sa kanilang garden idinadaan nina Matteo at Sarah ang kanilang lambingan. Nahihilig ang dalawa sa pag-aalaga ng mga halaman na ayon kay Matteo ay expensive rin pala.

Isa pa sa kapuri-puri raw kay Sarah ay ang husay nitong mag-bake at magluto.

Sa tanong kung wala pa rin ba sa plano nila ang mag-baby, pabirong sagot ni Matteo, ‘Ipagdasal po natin, na sana next week.’

Sharon inspirasyon ng beauty queen

Pangarap ni Mrs. Universe-Philippines 2020 na maka-duet ang mga idolo niyang sina Sharon Cuneta at Sarah Geronimo, ngayong natupad ang minimithi niyang career ang maging isang recording artist.

Labas na sa mga social media platforms at music online site ang mga Christmas song ni Charo, ang “Himala’y Laganap” at “Miss Kita Kung Christmas.”

Dahil sa megastar kaya nangarap na maging singer si Charo. Aminado si Charo na hindi siya biritera, pero naniniwala siya sa sariling kaya talaga niyang maging singer din.

Carla luhaan sa namatay na aso

Durog na naman ang puso ni Carla Abellana dahil sa pagpanaw ng isa niyang alagang aso. Hindi raw nagawang mailigtas ng beterinaryo ang buhay ng kanyang alagang aso.

Mababasa sa Instagram ang labis na kalungkutan ng Kapuso star sa namatay niyang pet dog at ang pagkabalisa niya sa depression ng isa pa niyang aso dahil sa namatay na kalaro nito.

Luhaan sa isa pa niyang photo post si Carla habang nakasubsob sa unan.

The post Dasal ni Matteo: Sarah mabuntis next week first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *