Darren type ligawan si Jayda

Umamin si Darren Espanto sa “Tonight with Boy Abunda” kamakailan na may posibilidad na ligawan niya si Jayda Avanzado.

darren type ligawan si jayda - Darren type ligawan si Jayda
darren 5 - Darren type ligawan si Jayda

Umamin si Darren Espanto sa “Tonight with Boy Abunda” kamakailan na may posibilidad na ligawan niya si Jayda Avanzado.

“Well, I feel like kapag nasa tamang edad na and we know what we want. Yes,” saad ni Darren.

Nilinaw niya na sa ngayon, malapit na kaibigan ang turing niya sa anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.

Bukod sa isyu ng panliligaw, ipinagtanggol din ni Darren si Jayda sa mga fan niya na kinukuwestiyon ang pagkakaibigan nila at pinaparatangang manggagamit ang babae.

“Sana po respeto lang kay Jayda and to her family plus to everyone who I hang with,” pakiusap niya.

Dagdag pa ni Darren, “Everyone should respect each other’s personal lives.”

Sa nasabing interview, kasama ni Darren si Jona upang i-promote ang kanilang concert na “Pair of Aces” na magkakaroon ng tour sa Canada. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *