Darna costume ni Jane kaelya-elya

Isa sa hinihingan ng tip ni Jane de Leon para sa kanyang paglipad bilang Darna ay si Liza Soberano. Matatandaang si Liza dapat ang bibida sa role ng Pinay heroine, ngunit naudlot ito dahil sa kanyang finger injury.

darna costume ni jane kaelya elya - Darna costume ni Jane kaelya-elya
jane de leon - Darna costume ni Jane kaelya-elya

Dondon Sermino Paistaran 31 336x224 - Darna costume ni Jane kaelya-elyaIsa sa hinihingan ng tip ni Jane de Leon para sa kanyang paglipad bilang Darna ay si Liza Soberano. Matatandaang si Liza dapat ang bibida sa role ng Pinay heroine, ngunit naudlot ito dahil sa kanyang finger injury.

“Actually nag-uusap kami lagi ni Liza, nakapag-dinner na rin kami,” kuwento ni Jane. Nakakatuwa itong malaman dahil ibig sabihin, walang inggit sa puso si Liza at suportado niya ang rising Kapamilya actress. Isa rin si Liza sa unang bumati kay Jane nang mapili siya sa role.

Bukod kay Liza, nais ding makausap ni Jane ang isa sa pinakasikat na Darna na si Angel Locsin.

“Ngayon looking forward naman ako kay Ate Angel Locsin na ma-meet siya. Masaya ako na ‘yung tiwala rin na binigay nila sa akin para gampanan ko ang role,” saad ng dalaga.

Sa ngayon, puspusan na ang fitness training ni Jane para makuha ang hubog ng Pinay hero at malapit nang mag-umpisa sa stunts training. Nasukat na rin daw niya ang kanyang Darna costume, na dapat abangan ng mga manonood, dahil makalaglag-brief at kaelya-elya raw talaga.

“Sobrang ready na talaga ako. Hindi ko naman ine-expect ‘to and binigay sa akin ni Lord ‘to and opportunity ‘to, so bakit hindi ko tatanggapin?” dagdag pa ni Jane.

Excited na ang lahat sa kalalabasan ng bagong “Darna”. For sure, it’s worth the wait! So, taliwas ito sa lumabas na umayaw na raw siya sa “Darna”, ha!

‘Lover’ wagi sa rating

Tutok na tutok ang sambayanan lalo na ang mga netizen sa bagong Koreanovela tuwing umaga na “I Have A Lover”. Sa pilot episode nito, nagkamit ang nasabing Koreanovela ng 16.9% at tinalo ang katapat nitong “Wagas” na nakakuha lamang ng 7.6%.

Umiikot ang kuwento sa nasisirang pagsasama ng mag-asawang sina Marvin (Ji Jin-Hee) at Aira (Kim Hyun-Joo). Mas mawawasak pa ang kanilang pagsasama sa pagdating ni Sofia (Park Han-byul).

Ngayon nga ay nagpupuyos na sa galit ang mga netizen sa mga kaganapan kaya naman napasama sa top ten trending nationwide ang hashtag nitong #IHALGigilFest noong Huwebes (Okt. 24).

Unti-unti na kasing umeeksena si Sofia sa buhay ng mag-asawa kaya naman relate na relate ang Kapamilya sa karakter ni Aira.

Hindi na nga makapag-antay ang manonood sa mga susunod pang eksena lalo na tungkol sa mga gagawing hakbang ni Aira at Sofia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *