Dapat doktor, piloto: Kris naghahanap ng dyowa sa Facebook

Meron na ngang personal account si Kris Aquino sa Facebook pero walo pa lang ang friends niya. Eh sa gusto siyang maging friend in private, inilabas niya ang qualifications sa Instagram bago niya i-accept, huh!

dapat doktor piloto kris naghahanap ng dyowa sa facebook - Dapat doktor, piloto: Kris naghahanap ng dyowa sa Facebook
kris 21 - Dapat doktor, piloto: Kris naghahanap ng dyowa sa Facebook

Jun Nardo I Know Better 11 336x224 - Dapat doktor, piloto: Kris naghahanap ng dyowa sa FacebookMeron na ngang personal account si Kris Aquino sa Facebook pero walo pa lang ang friends niya. Eh sa gusto siyang maging friend in private, inilabas niya ang qualifications sa Instagram bago niya i-accept, huh!

Kapag lalaki, dapat ang edad ay between 41-55 years old. Pasok din ang doktor sa kanya (especially a rheumatoid, immunology, allergy specialist, neurologist, anesthesiologist, pain management specialist o cardiologist).

“Promise ACCEPT agad ang friend request.”

Sa lalaki, pasok kay Kris ang single (puwedeng widowed, divorced, legally separated or annulled).

Para sa dalawang anak, pabor din sila sa piloto na may international route.

Naku, mukhang ready na si Kris magkaroon ng love life, huh!

Kim Domingo itinangging nandiri kay Super Tekla

Ayaw ibisto ni Km Domingo kung may kissing scene sila ni Super Tekla sa movie nilang “Lala En Kiko” mula sa Backyard Production. Kaya nu’ng pressccon ng movie, pina-describe na lang namin kay Kim kung paano ang naging sitwasyon niya sa eksenang ‘yon.

Sa pelikula, dual role ang komedyante, isang tunay na lalaki at isang bading.

“Ako kasi, komportable sa kanya at saka maganda ‘yung eksena namin. Hindi siya ‘yung tipong nakakadiri. Hindi siya ganoon. I mean hindi siya nakakadiri!

“Nangingibabaw kasi ang katatawanan. Matatawa ka talaga. So walang diri factor! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Kim.

Kung si Kim ang kapareha ni Tekla bilang lalaki, si Derrick Monasterio naman ang dyowa niya bilang bading. Kung jackpot si Derrick kay Tekla kapag nahalikan, kay Kim, “Super jackpot ako! Ha! Ha! Ha!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *