Daniela agaw-eksena as Maleficent

WTF! Pero hindi ‘what the f*ck’ yan, ha! Kundi ‘Wow That’s Fantastic’!

daniela agaw eksena as maleficent - Daniela agaw-eksena as Maleficent
dimples 6 - Daniela agaw-eksena as Maleficent

WTF! Pero hindi ‘what the f*ck’ yan, ha! Kundi ‘Wow That’s Fantastic’!

‘Yan nga ang nakuhang award ni Dimples Romana sa katatapos lang na Black Magic, ang Halloween party ng Star Magic.

Eh kasi naman, bagay na bagay kay Dimples ang mag-ala-Maleficent, ha! Kaya naman waging-wagi talaga siya.

Eh, ‘di ba? Sa “Kadenang Ginto”, kontrabida talaga siya as Daniela Mondragon, pero sa tunay na buhay, alam mong mabait ang hitad, at maraming kaibigan talaga.

Pero siyempre, ang tunay na wagi ay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bilang sina Poison Ivy at Mr. Eye. Na kahit sa paramihan ng likes, ang photo ng KathNiel ang waging-wagi ha!

Na umabot na nga sa mahigit 105,000 ang likes ng photo nila, bukod pa sa isang photo nila na kulang-kulang 70,000.

Kasunod naman siyempre ang photo nina Liza Soberano at Enrique Gil na may 100,028 likes. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *