Daniel super kilig sa b-day message ni Kathryn

Nabigo ang mga fan sa inaasahan nilang sorpresa ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla kahapon sa “ASAP” na kung saan ay nagdaos nga ito ng 24th birthday celebration.

The post Daniel super kilig sa b-day message ni Kathryn appeared first on Abante News Online.

daniel super kilig sa b day message ni kathryn - Daniel super kilig sa b-day message ni Kathryn
aniel - Daniel super kilig sa b-day message ni Kathryn

‘I love you so much’

Nabigo ang mga fan sa inaasahan nilang sorpresa ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla kahapon sa “ASAP” na kung saan ay nagdaos nga ito ng 24th birthday celebration.

Hindi nga sumipot si Kathryn, na understandable naman dahil nasa Hong Kong nga ito ngayon at nagsyusyuting ng pelikula nila ni Alden Richards, ang “Hello, Love, Goodbye.”

Pero siyempre, may pasabog na video­ message naman si Kathryn kay Daniel. Na nagpakilig pa rin sa mga fan nila.

“Siya ‘yung nagpapa-feel sa akin na sobrang love ako. Madali siyang patawanin. Hindi siya nahihiyang i-express ‘yung kabaliwan niya, na hindi nakikita ng lahat. Kasi akala ng iba seryoso siya.

“Hi love, happy-happy birthday, ang daming nagmamahal sa iyo. I will always love you. I will always protect you. And I will always be your number one fan. I love you so much,” sabi ni Kathryn kay Daniel, na habang pinanonood nga ni Daniel­ ay kilig na kilig at abot-tenga ang mga ngiti, lalo na ang mga fan nila.

“Gusto kong magpasalamat sa mensahe ng aking katambal na si Kathryn Bernardo. Maraming sala­mat sa mensahe mo Bal (binaligtad na Lab). I miss you very much. And I will see you soon,” sabi ni Daniel na kilig na kilig talaga at ayaw mawala ang mga ngiti sa mukha. (DS)

The post Daniel super kilig sa b-day message ni Kathryn appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *