Daniel niregaluhan ng ‘buwan’ ni Kathryn

Kinilig na naman ang mga KathNiel fan sa katatapos na digital concert ni Daniel Padilla, ang “Apollo” dahil sa pagdalo ni Kathryn Bernardo.

The post Daniel niregaluhan ng ‘buwan’ ni Kathryn first appeared on Abante.

daniel niregaluhan ng buwan ni kathryn - Daniel niregaluhan ng ‘buwan’ ni Kathryn
Daniel Padilla 2 - Daniel niregaluhan ng ‘buwan’ ni Kathryn

Kinilig na naman ang mga KathNiel fan sa katatapos na digital concert ni Daniel Padilla, ang “Apollo” dahil sa pagdalo ni Kathryn Bernardo.

Mula sa umpisa hanggang matapos ang show ay nakasuporta si Kathryn sa boyfriend. Sobrang sweet nga ni Kathryn kay Daniel dahil hindi ito pumayag na hindi masaksihan ang unang digital concert ng kasintahan.

Bukod pa sa presensya ni Kathryn, nandoon din ang regalo nito kay Daniel na Johnny Moon (buwan), isang round carpet na inilagay sa entablado para gamiting props sa show ni Daniel.

Hindi man bahagi ng show si Kathryn, may partisipasyon naman ang regalo nitong carpet na siyang tinungtungan ni Daniel sa buong show.

Kung ang pagbabasehan ay ang dami ng nagkalat na mga larawan sa concert ni Daniel, sa studio man o sa online, masasabing tagumpay ang unang pagtatangka ng Kapamilya artist.

Hihintayin na lang natin ang figure kung magkano ang kinita nito para selyohan ang success ng project. Kabilang si Daniel sa producer ng concert. (Rey Pumaloy)

The post Daniel niregaluhan ng ‘buwan’ ni Kathryn first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *