Daniel nasarapan sa ipinatikim ni Kathryn

Puwedeng-puwede na ngang mag-asawa si Kathryn Benardo.

The post Daniel nasarapan sa ipinatikim ni Kathryn first appeared on Abante.

daniel nasarapan sa ipinatikim ni kathryn - Daniel nasarapan sa ipinatikim ni Kathryn
abante kathniel - Daniel nasarapan sa ipinatikim ni Kathryn

dondon sermino 8 - Daniel nasarapan sa ipinatikim ni KathrynPuwedeng-puwede na ngang mag-asawa si Kathryn Benardo. Parang ang sarap-sarap na kasi niyang magluto. At parang ang dami-rami na niyang alam na putahe, ha!

Anyway, sa Instagram story niya ay makikita nga si Kathryn na nagluluto ng iba’t ibang putahe, na may manok, tapa, soup, at kung ano-ano pa.

Si Kathryn nga mismo ang personal na nagtitimpla, nagbabantay sa mga luto niya. Pero, may mga helper lang siya na naghihiwa ng mga kailangan, tulad ng kamatis, at iba pa.

At sa bandang dulo ng video, makikita, maririnig si Kathryn na nagdayalog na…

“Love come here. Welcome to my cooking show…”

At siyempre, enter frame si Daniel Padilla, na todo porma, ala-James Bond, dahil sa suot niyang shades, at sombrero, ha!

At siyempre, masuyo na sinubuan siya ni Kathryn. At buong puso namang tinanggap ni Daniel ang ipinatikim ni Kathryn.

May mga sinabi si Daniel na hindi masyadong narinig sa video. Pero, base sa itsura niya, nasarapan siya sa ipinatikim ni Kathryn.

Panay ang tango niya sa tanong ni Kathryn. At sa huli, nag-thumbs up si Kathryn sa harap ng kamera, na aprubado nga raw ng dyowa niya ang niluto niya.

Well, maganda naman na ngayon pa lang ay alam na ni Daniel na magaling magluto si Kathryn. Na hindi siya magugutom sa sandaling mag-asawa na sila dahil alam na agad niya na mahusay magluto ang kanyang misis.

Well…

Gerald nagpapaupa ng condo

Suwerte talaga ni Julia Barretto, kung sila nga ni Gerald Anderson ang magkakatuluyan, ha!

Imagine, bukod sa bonggang resort na naipatayo ng binata, at sa gym (na may mini basketball court) na negosyo niya ngayon (pinauupahan ni Gerald), meron pa nga itong condo unit, na ang bongga-bongga ng location, ha!

Pinauupahan na rin ni Gerald ang naturang condo unit, na siguradong pag-aagawan ng marami, dahil sa ganda ng lugar.

Ang bongga lang na ang husay pala ni Gerald sa paghawak ng pera. Na ang mga kinita niya ay napunta talaga sa maganda.

Kaya kahit mawalan siya ng proyekto sa telebisyon (pero hindi mangyayari dahil may bago nga siyang project sa Kapamilya channel), bongga pa rin ang buhay niya.

Ang tanong lang, kailan kaya lalagay sa tahimik si Gerald? Pero ang unang tanong, kailan kaya niya aaminin ang relasyon nila ni Julia? Kung `yun ay kung sila ba talaga, ha!

The post Daniel nasarapan sa ipinatikim ni Kathryn first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *